^

Pang Movies

Pagiging kabit binaon na sa limot Vina tumanggi nang makisawsaw sa problema ng ex

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin, tama naman si Vina Morales nang hilingin niya hindi lamang sa isang network kung ‘di sa lahat na tigilan na ang pagkakabit ng kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak na si Ceana sa pangalan ni Cedrick Lee lalo na sa panahong ito.

Wala namang ikinakaila si Vina. Hindi naman niya sinasa­bing wala siyang naging relasyon kay Cedrick in the past, pero tapos na nga iyon. Nangyari na ang mga bagay na hindi niya inaasahan. Nanahimik na siya at ang oras niya ay ibinibigay na lang niya sa kung ano mang negosyo ang naipundar niya mula sa kanyang mga kinita noong araw at sa pagpapalaki sa kanyang anak. Mukha nga namang unfair kung pilit pang babalikan ng mga tao kung ano ang kanyang naging pagkakamali in the past at paulit-ulit pang kakalkalin.

Kung ano man ang kanyang naging pagkaka­mali, naging issue na iyan noong araw. Inamin naman niya na siguro nga ang lahat ay hindi naayon sa kanyang expectations, dahil iba naman ang sinasabi sa kanya kaysa sa katotohanan. Iyong pagkakamaling iyon, tinanggap niya kung ano man ang katapat. Nakaapekto iyon sa kanyang career, sa status bilang isang singer at aktres, pero naroroon na iyon at hindi naman niya pinagsisihan dahil sa kanyang anak. Ipagpalagay nating hindi man maganda ang kinahinatnan ng kanilang relasyon, at least nagkaroon siya ng isang anak that she’s proud of. At ipinagmamalaki niyang nagagawa niyang palakihin nang maayos ang bata.

Palagay namin, tama na rin naman iyon.

Simula kasi noong mangyari iyang controversy nga­yon, at dahil wala silang reference na masabi tungkol kay Cedric Lee, si Vina Morales lamang ang kanilang napagbubuntunan. 

Suporta ng gobyerno inaasahan sa Cinemalaya

Sabi nila, kahit na raw tumigil na ang businessman na si Tonyboy Cojuangco sa pagpi-finance ng Cine­Malaya Filmfest, itutuloy pa rin nila ang festival na iyan ng maliliit na pelikula. Ang  ina­asahan nila ay makakakuha sila ng pondo sa gob­yerno.

Kung iisipin mo, ang ganyang mga proyekto ay dapat namang ipini-finance ng gobyerno kung talagang gusto ng gob­yernong ito na tulungan ang industriya ng pelikula. Eh kaso ang sinusuportahan ng gobyerno at pinakikialaman ay iyong Metro Manila Film Festival (MMFF) na dapat sana ay ibi­nabalik na lang nila sa industriya. Eh kasi iyong MMFF napagkukunan nila ng pondo para sa Optical Media Board, at may bahagi pang napupunta sa social fund ng presidente, bukod sa mga “cash gifts” na nakukuha pa ng mga opisyal ng MMDA. Sa Cinemalaya, ano nga ba ang makukuha nila?

Mahabang panahon nang ang pribadong sector sa pangunguna nga ni Tonyboy Cojuangco ang tumutulong sa industriya, panahon na para ang gobyerno ang magpakita ng malasakit sa maliliit na pelikula na nagsisilbing panggapang sa naghihingalong industriya ng pelikula sa bansa.

Batang aktres na may karelasyong mas matanda, lumalandi pa sa ex

Tsismis ng isa naming friend. Hindi raw siya naniniwala na talagang in love ang isang female star sa kanyang “mas matandang boyfriend”. Kasi may time na nag-text pa raw iyon sa kanyang imme­diate ex na mas bata at mas pogi at tila nagseselos pa dahil nali-link na iyon sa iba. Malanding bata talaga iyan.

CEDRIC LEE

CEDRICK LEE

IYON

KANYANG

KUNG

MALAYA FILMFEST

NIYA

SHY

TONYBOY COJUANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with