^

Pang Movies

Sobrang demanding actress hatid-sundo sa taping kahit may sariling kotse

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hanggang sa ngayon pala, problema pa rin ng production ang isang actress na mahilig mag-demand ng mga bagay sa set, like ayaw niya ng may kasama sa tent, iba ang pagkain niya at kahit may sariling car, basta raw taping, kailangan siyang sunduin at ihatid ng production. 

Noon pa siya inirireklamo ng mga kasama niyang artista sa set, pero mukhang stipulated lahat iyon sa contract ng actress kaya wala silang magawa.

Dingdong tuhog kina Maricel, Lovi, at Anne

It seems it will be a very busy year ang 2014 for Dingdong Dantes. Ngayong dalawa na ang leading ladies niya, sina Ms. Maricel Soriano at Lovi Poe sa bago niyang drama series na may working title na The Two Mrs. Real or Ang Dalawang Mrs. Real, tiyak na magsisimula na silang mag-taping sa last week of February.

Tuloy na rin ang movie na pagtatambalan nila ni Anne Curtis sa Viva Films at Star Cinema na ididirek muli ni Ruel Bayani. Si Direk Ruel ang nagdirek ng One More Try kung saan nagwagi si Dingdong ng kanyang second best actor award mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). At may isa pang movie na gagawin si Dingdong, according to Direk Mark Reyes, na may pagka-anime. Matagal na raw nila itong napag-usapan ni Dingdong at gusto na nilang gawin this year. Balita kasing hindi na muna itutuloy ng Reality Entertainment ang isa pang movie na si Dingdong dapat ang lead actor, uunahin daw muna ang first movie ni John Lloyd Cruz sa kanila na ididirek ni Erik Matti.

Gwen gagawa ng horror film sa Indonesia

Magiging busy din ang aktres na si Gwen Zamora sa taong ito. Bukod sa pagtulong sa boyfriend na si Raymond Romualdez, son of Tacloban Mayor Alfred Romualdez, sa pag-rehabilitate ng kanilang bayan, after typhoon Yolanda, nagti-taping na rin si Gwen ng bago niyang afternoon prime sa GMA 7, ang Innamorata. Isang witch si Alejandra sa story na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin dahil naiiba ang role na bida si Max Collins.

Malamang daw ay sa May matatapos ang soap na magsisimula nang mapanood sa February 17, after ng Villa Quintana. Babalik din siya ng Indonesia para gumawa ng isa pang horror movie na co-produced din ng GMA Films.

Masaya rin si Gwen dahil bumalik na ng Pilipinas ang parents niya from their work abroad kaya may kasama na siya ngayon. Ibabalik din ng daddy niya, who is a chef, ang bakeshop nito na puwede raw nilang ilagay sa tabi ng restaurant niya in Makati, called Speak Easy. Balak daw niyang maglagay ng isa pang branch nito at sasamahan niya ng isang nail salon.

And by August, it will be a vacation grande with her parents, pupunta sila ng Paris, Belgium, at Amsterdam. Ganoon daw kasi niya na-miss ang parents niya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DINGDONG DANTES

DIREK MARK REYES

ERIK MATTI

GWEN

GWEN ZAMORA

JOHN LLOYD CRUZ

MRS. REAL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with