^

Pang Movies

Toni tulala ng buong araw sa eskandalosang love scenes

- Vinia Vivar - Pang-masa

“Scandalous” ang deskripsiyon ni Direk Olive “Inang” Lamasan sa love scenes nina Piolo Pascual and Toni Gonzaga sa kauna-kaunahan nilang pelikula sa Star Cinema na Starting Over Again.

First time ni Toni na gawin ang ganitong mga eksena pati na ang kissing scenes at ayon sa actress/TV host, ginawa raw niya ito dahil kay Inang Olive.

Matagal na raw niya kasing gustong makatrabaho ang naturang batikang direktor at dream come true ito sa kanya plus katambal pa niya si Piolo kaya sobrang saya raw niya talaga.

Ibinuking naman ni Inang na hindi raw talaga sanay si Toni sa mga love scene at kapag alam na nitong kukunan ang ganung eksena ay buong araw na raw itong natutulala sa set.

“’Pag alam niyang may kissing scene, natutulala na siya buong araw at gusto nang umiyak. ’Pag walang kissing scene, she can do anything and everything. Pero ’pag may kissing scene, kinakabog na talaga siya buong araw,” kuwento ni Direk Olive.

Depensa naman ni Toni, ever since ay hindi siya talaga komportable sa kissing and love scenes dahi parang hindi raw bagay sa kanya ang mag-react na sensual dahil baka matawa pa rin ang mga tao.

Pabiro ring sinabi ng dalaga na banned nga ang parents niya na dumalo sa premiere night para hindi mapanood ng mga ito ang eskandalosang love scene.

Sa trailer nga ay ipinakikitang hinahalikan siya ni Piolo sa leeg at may scene pa na kunwari ay nagme-make love sila at ipinakitang nabasag ng paa ni Toni ang mga pigurin. Eskandalosa nga!

Ang pagtatambal nina Toni at Piolo is something na matagal nang hinihintay sa showbiz. Unang nagkasama ang dalawa noon sa 2011 softdrink commercial na talaga namang sumikat ng husto.

Naging tag ni Toni ang mga linyang binitiwan niya sa commercial na “I love you, Piolo” and for a while ay ito raw ang tawag sa kanya ng mga tao dahil hindi siya kilala bilang Toni.

Kaya naman hinding-hindi makakalimutan ng aktres si Piolo dahil dito talaga nagsimulang makilala siya ng mga tao.

Thirteen years after ay heto na nga’t nagkasama na rin sila sa isang pelikula. Say ni Toni, parehong-pareho raw ang kabang naramdaman niya noong una silang magkasama sa commercial at sa first shooting day ng movie.

“Nung first day, hindi yata ako nakatulog nung gabi. Ganung-ganun din ako nung first time ko siyang makatrabaho (sa TV commercial), hindi ako maka­tulog, kasi inisip ko first major commercial ko ’yun ’tapos may makakasama akong malaking artista, kinakabahan ako.

“Ganun na ganun din nung first day ng shooting namin. ’Di ako makatulog, ’di ako mapakali, kasi parang feeling ko nagsisimula ulit ako kasi I started out as a fan of Piolo Pascual and then iba ’yung feeling na makakatrabaho mo siya na kapareha mo siya sa pelikula.

“I think, talagang the project came at a right time and it was really worth the wait,” sabi ni Toni.

Ang hindi niya makakalimutan kay Piolo mula noong una niya itong maka­trabaho hanggang ngayon ay ang pagka-humble ng aktor.

“Hindi ko makakalimutan nung first time ko siyang makatrabaho kasi hanggang sumakay na ako ng kotse, pauwi na kami, sabi ng daddy ko, ‘’Yan ang gagayahin mo, si Piolo Pascual, kahit malaking artista, pumipila sa catering, humble, down-to-earth.’

“First time ko siyang makatrabaho, humble na siya at hanggang ngayong nakatrabaho ko ulit siya, humble pa rin siya. ‘Yun ang isang hindi ko makakalimutan sa kanya,” she said.

Naungkat sa presscon ang pagkaka-link nila before and alam naman sa showbiz talaga na for a time ay talagang nanligaw si Piolo kay Toni. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit hindi ito natuloy sa isang relasyon. Inamin naman ni Piolo na lumabas sila talaga noon ni Toni.

“I knew na ang gusto niya, makilala muna bilang Toni Gonzaga at kata-transfer lang niya rito sa ABS-CBN. So, nagparaya tayo, kumbaga,” sabi ni Piolo.

Showing na sa Feb. 12 ang Starting Over Again bilang Valentine offering ng Star Cinema.

 

 

vuukle comment

AKO

DIREK OLIVE

FIRST

NIYA

PIOLO

SIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with