^

Pang Movies

Drew at Iya kasal na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natuloy na rin pala ang kasal nina Drew Arellano at Iya Villania kahapon, Chinese New Year.  Members of the family at close friends lamang nila ang nakaalam. 

Isinikreto raw ito ng couple dahil gusto nilang maging sacred ang kanilang wedding after 10 years na naging mag-sweetheart sila.  Kaya wala talaga kaming nakuhang details, kahit oras at venue ng wedding. 

Anyways, congratulations and best wishes to Drew and Iya!

Anak ni Jodi humihingi na ng baby sister

Ang isa namang ayaw pang magsalita tungkol sa annulment niya ng kasal nila ng former husband niyang si Pampi Lacson ay si Jodi Santamaria. Nang i-launch siya ng Flawless as the new endorser ng Alagang Flawless, pagdating sa trabaho, iyon ang kayang-kaya niyang ipaliwanag. Like iyong flawless daw talaga ang pag-aasikaso sa mga customer dahil bawat isa sa kanila ay binibigyan ng sariling kit na disposable kaya talagang sila lamang ang puwedeng gumamit noon at lahat ng may 38 branches ng Flawless ay ganito ang treatment sa kanilang mga customer. 

Kung nakikita ninyo si Jodi na sexy at walang tummy kahit may six-year-old son na siya, si Thirdy, dahil ito ang procedure na ipinagagagawa niya sa Flawless.

Ang ikinuwento na lamang ni Jodi ay maayos na ang usapan nila ni Pampi tungkol sa anak nila na nasa pangangalaga niya. Hindi raw nagkukulang si Pampi sa obligasyon nito sa anak at masaya na siya sa dating asawa dahil maganda rin ang love life nito. 

Alam din ng anak niya ang sitwasyon nila ng ama nito pero ang natatawa siya, gustung-gusto na raw ni Thirdy na magkaroon ng baby sister. Gusto pa rin ni Jodi na makatapos ng medical biology at maging doctor someday dahil ito talaga ang dream niya. Pero sa ngayon, sa kanyang restaurant business, taping ng show, and as endorser ng Flawless siya naka-focus.

Marian, Alden atbp. magpapasalamat sa fans

Thankful si Marian Rivera sa mga nanood ng pilot week ng Carmela at para raw sa mga hindi nakapanood, ngayong Sabado, after ng Eat Bulaga, iri-replay ang buong pilot week nila. At bukas ng hapon, for the first time, magpo-promote at magpapasalamat ang cast ng Carmela sa bagong Fisher Mall in Quezon Avenue, Quezon City. Makakasama ni Marian sina Alden Richards, Krystal Reyes, Ana Feleo, at RJ Padilla.

Iza inaayos pa ang sked kung papasok sa Showtime

Nakausap namin ang manager ni Iza Calzado if totoo na papasok na rin sa noontime show na It’s Showtime ang actress. Inaayos pa raw ang schedule ni Iza pero nasa show siya ngayong tanghali to promote her new show on ABS-CBN, ang The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na mapapanood na simula sa Lunes, 9:30 p.m.

Bale Iza Calzado Day daw ngayon ng actress sa ABS-CBN dahil sa gabi, siya naman ang featured artist sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.  Mamayang gabi rin, naroon siya sa presscon ng romantic-comedy movie ng Star Cinema, ang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, sa direksiyon ni Olive Lamasan.

        

vuukle comment

ALAGANG FLAWLESS

ALDEN RICHARDS

ANA FELEO

BALE IZA CALZADO DAY

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

CARMELA

CHINESE NEW YEAR

JODI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with