^

Pang Movies

Gov. ER hindi pa nakakasiguro kay Angel

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Payagan kaya ng Star Cinema na makapareha ni Gov. ER Ejercito si Angel Locsin sa susunod niyang gagawing pelikula? Sobra kasi ang pag-aalaga ng film company ng ABS-CBN kay Angel kaya’t bitin pa kung makukuha nga siyang next partner ni ER.

Busy si Gov. ER ngayon para sa darating na Laguna Festival at Palarong Pambansa. Marami raw silang produkto na gustong ipagmalaki sa buong mundo.

Mabuti pa si ER at ibinabandera ang kanyang bayan. ’Yung ibang bayan kasi kulang sa promotions gayung kagaganda rin ng kanilang lugar.

Jennylyn madaling kalimutan!

May mga nagtatanong, bakit daw napakabilis namang maka-move on nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa kanilang paghihiwalay? Balitang maligaya sa muling pakikipagbalikan kay Angel Locsin si Luis. Wala nga siyang pakialam kahit sabihing nagagamit lamang para mapag-usapan dahil may bagong teleserye ang girlfriend na raw uli ngayon.

Ganun daw ba kadaling makalimutan si Jennylyn na halos patungo na sana sa kasalan? Well, talagang ganyan sa showbiz, habang may mga teleseryeng ipinapalabas ay patuloy sa inimbentong pagmamahalan ng mga artistang involved sa naturang programa.

Roi iniilagan ng mga beki

Bihirang tumanggap ng offer na gumanap sa isang teleserye si Direk Laurice Guillen. Subalit hindi niya natanggihan noong alukin para gumanap bilang doktorang asawa ni Roi Vinzon sa Carmela ng GMA. Ang problema lang, sa pagmamahal niya kay Roi, kabaligtaran naman itong may pagnanasa pa kay Agot Isidro. Again, nasilawan na namang muli ang acting ni Roi bilang kontrabida.

Noong mag-shooting sila sa Barangay Pinagbarilan sa Baliuag, Bulacan ay maraming tagahanga ang lumapit sa aktor. Tinatanong nila kung totoo ba siyang galit sa mga bading. May mga beki kasing nanonood ng taping ang parang umiilag mapalapit kay Roi. Napatawa lang siya at sinabing umaarte lang siyang galit sa mga sioke sa My Husband’s Lover noon.

Rumaraket talaga ngayon si Roi. Sunud-sunod ang mga proyekto niya na parang bagets lang.                                    

 

 

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ANGEL LOCSIN

BARANGAY PINAGBARILAN

DIREK LAURICE GUILLEN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LAGUNA FESTIVAL

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with