^

Pang Movies

DTM, malaki ang nakuhang donasyon sa Japan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tatlong buwang nag-show ang all-boy pop group na Down to Mars (DTM) sa Tokyo, Nagoya, Kyoto in Japan at bumalik lamang sila ng bansa noong Jan. 5. Bago sila umalis dito noong October, nag-sign na sila ng contract as ambassadors ng Philippine Red Cross (PRC) kaya sinamantala nila na habang nagsyu-show ay humi­hi­ngi sila ng donasyon sa audience. 

Approved ito ng PRC at pina­dal­han sila ng 30 coin banks. Hindi raw sila nag-expect na mara­ming malilikom na donasyon para sa PRC, na that time, katatapos lamang ng lindol sa Bohol kaya balak nilang i-donate ang pera sa PRC para sa mga naapektuhan ng lindol. Pero nagulat sila nang after ng Yolanda typhoon, biglang dumami ang donasyon na nakuha nila at nakita nila ang pagtulong ng mga kababa­yan natin doon kahit ng mga Japanese at iba pang foreigners na nanonood ng kanilang show.

Last Tuesday, Jan. 28, nagsagawa ng Biennial Convention ang PRC sa Manila Hotel at matapos mag-perform, the group turned over their do­na­tions of 33,400 yen. Converted to peso ito ay P150,000. May last coin bank pa silang nai-turn over na hindi pa nila nabuksan na sa palagay nila ay mas ma­laki ang laman nito dahil sa last show nila ay ni-request nilang lapad (yen) na lamang ang ihulog ng audience sa coin bank.

Freelancer ngayon ang grupo dahil natapos na ang contract nila sa GMA Artist Center at sa ma­nager nilang si Geleen Eugenio kaya sabi nga nila, fresh start sila muli for 2014. Three years na ring magkakasama sina Jang (Chinese-Fil), Kenji (Chinese-Fil), Daisuke (Japa­nese-Fil), Jeong Won (Korean-Fil), at Yheen (Chinese-Fil), at kahit wala na sa grupo sina Sky at Kiro, paminsan-minsan ay nagkakasama-sama pa rin sila. Wala na silang balak kumuha ng additional members dahil mahirap nang habulin ng bagong members ang three years na pagsasama-sama nila.

Magpo-focus muna sila sa kanilang pagiging musicians. Maggi-guest sila sa remake ng Kit­chen Musical na isu-shoot sa February, called Boston Mu­sical na they will be called Ja­panese Superstars. Bukas, sa Chinese New Year, may thanksgiving party sila sa mga taong nakatulong sa kanila. Hopefully, makarating daw si PRC Chairman Dick Gordon na siyang kumuha sa kanila as ambassadors ng PRC. 

By March or April, naka-schedule silang pumunta ng Tac­loban City sa Leyte para mag-show at kumustahin ang mga kababayan natin doon. Inihahanda na rin nila ang second album nila na mga OPM song at sana raw ay matulungan silang muli ng kanilang Ate Yan Yan (Marian Rivera) na nauna nitong ginawa sa music video nila ng first album nilang Nandito Lang Ako na minsan nang nagamit na theme song sa Koreanovelang Smile Dong Hae.

Ganda ni Marian masisilayan na

Mamayang gabi, masisilayan na si Marian Rive­ra bilang si Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw). Makikita na kung ano ang naging buhay niya matapos maiwan ng inang si Amanda (Agot Isidro) na pinaniwalaan niyang patay na.

 

AGOT ISIDRO

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

ARTIST CENTER

ATE YAN YAN

CHINESE-FIL

NILA

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with