^

Pang Movies

Female TV host tinalakan ng veteran actress na blind item sa talk show!

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nga nakapag-deny ang female TV host nang komprontahin siya ng isang veteran actress dahil sa isang blind item.

Ayon sa aming source ay nag-react daw ang ve­teran actress sa isang blind item na pinalabas sa isang talk show. Tinutukoy kasi ng blind item ay isang taong close sa kanya at labis siyang naapektuhan.

Agad nga niyang tinawagan ang female TV host para klaruhin kung tama ba ang hinala niya sa blind item.

Nataranta nga ang female TV host nang tawagan siya ng veteran actress at nagtatanong. Gusto mang magsinungaling ng female TV host ay nahihiya siyang pagsinungalingan ang kausap. Kaya nasabi niya na tama ang haka-haka nito.

Bigla raw tumaas ang boses ng veteran actress at sinermunan daw siya. Bakit daw gano’n ang show nila dahil nakakasira raw sila ng ibang tao?

Gustong mag-explain ng female TV host sa veteran actress na kaya lang ay naglitanya na ito sa kanya. Hanggang sa magpaalam na raw ito sa kanya.

Nagsisi tuloy ang female TV host na sana ay hindi na lang niya sinabi ang totoo. Siya pa tuloy ang napahamak at napagalitan ng veteran actress.

Sa susunod nga raw ay hindi na siya sasali sa mga blind item para hindi na siya mapagalitan at matalakan.

Direk Jay nagpapasalamat sa TV5 sa pagbabalik

Nagbabalik nga muli sa telebisyon ang kontro­bersiyal na si Direk Jay Altarejos. Isang taon ding nawala ang direktor at ang huli niyang ginawang teleserye ay ang Legacy sa GMA 7.

Nawala nga bigla sa sirkulasyon si Direk Jay nang akusahan siya ng Kapuso actor na si Mike Tan nang pangha-harass sa kanya.

Tahimik na lang na umalis si Direk Jay at naglakbay-lakbay sa kung saan-saan. Sa kanyang pagkawala ng isang taon ay nakatapos siya ng bagong pelikula titled Unfriend na ipapalabas sa Berlin International Film Festival on Feb. 8.

Bida sa Unfriend sina Sandino Martin, Angelo Ilagan, at Ms. Boots Anson-Roa.

Ngayon ay balik nga sa paggawa ng teleserye si Direk Jay via Obsession ng TV5 na bida sina Marvin Agustin, Bianca King, Neri Naig, at Martin Escudero.

Nakilala si Direk Jay sa paggawa ng mga kontro­bersiyal gay-themed indie films tulad ng Ang Lalaki sa Parola, Lihim ni Antonio, Kambyo, Laro sa Buhay ni Juan, Little Big Boy, at Pink Halo-Halo.

Magbabalik rin siya sa pagdirek sa pelikula at dalawang pelikula agad ang sisimulan niya.

“Despite of what happened na-miss ko pa rin ang pagdidirek. This is my passion and I am thankful for TV5 for giving me a chance to get back in television directing. Ngayon may mga movie pa kaya sobrang maganda ang pagbabalik natin,” sabi ng direktor.

Justin Bieber sa Panama beach naman lumalaklak ng alak

Pagkatapos makapagpiyansa sa Miami, Florida, USA ang Canadian teen pop superstar na si Justin Bieber, nakita naman siyang kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang beach sa bansang Panama.

Sa naturang bansa raw muna magpapalipas ng ilang araw si Bieber after niyang mabagansiya for DUI, drag racing, and resisting arrest sa Miami.

Walang makakapigil kay Bieber na uminom ng alcohol dahil ang legal drinking age sa Panama ay 18 years old.

Kasama ni Bieber sa Panama ang bagong kaibigan niyang si Chantel Jeffries.

 

vuukle comment

ANG LALAKI

ANGELO ILAGAN

BERLIN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BIANCA KING

BIEBER

DIREK JAY

ISANG

JUSTIN BIEBER

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with