^

Pang Movies

Jugs at mga kasama pinapatawa si Vhong sa ospital

- Vinia Vivar - Pang-masa

We learned from Itchyworms frontman Jugs Jugueta na dumalaw sila sa kasamahan sa It’s Showtime na si Vhong Navarro last Saturday.

Ayon kay Jugs, nang makausap namin sa first leg ng Ginuman Fest last Saturday night, na ginanap sa Tutuban Center Parking Grounds, kasama niyang dumalaw sa hospital ang iba pang kasamahan sa noontime show na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Teddy Corpuz, at Eruption.

Say ni Jugs, nakakausap na raw si Vhong at nakikipagbiruan pa nga sa kanila. ’Yun nga lang, magang-maga pa raw ang mukha nito.

“Kung ano ‘yung nakikita n’yong picture run sa online, mas worse kanina kasi ‘yung nasa online, ‘yun ‘yung day na sinapak siya. Kanina, mas maga, eh,” kuwento ni Jugs.

“Biniro nga siya ni Vice, ‘Chubby ka ngayon ah.’ Kasi magang-maga eh. Sabi niya, ‘Mukha nga akong Kung Fu Panda eh.’ Nakikipagbiruan naman siya,” dagdag pa ng vocalist-TV host.

Nakapagkuwento ba si Vhong kung ano talaga ang nangyari sa kanya?

“Hindi kami nag-usap tungkol do’n kasi, parang ano ’yan eh, parang kakausapin mo ‘yung cancer patient tungkol sa cancer niya na, ‘Ano nangyari sa cancer mo?’ Alam mo ‘yun? Pangit eh ’di ba?

“So, pupunta ka do’n, papasayahin mo ‘yung tao. Hindi mo kakausapin tungkol sa kung ano ang nangyari. Mayroon naman siyang mga pulis and lawyer para ro’n eh.

“Kami, pampaligaya lang. Ang nakakatawa, namamaga ang mukha niya, ’pag pinapatawa siya, hirap na hirap siya kasi masakit ‘yung mukha niya.

“Pero okay naman, nakita naman namin na tumatawa siya,” he said.

Hiningan din namin ng pahayag si Jhong Hilario na naroroon din sa event pero tumanggi siya na ewan kung bakit. Pero we noticed na malungkot siya habang nagpi-perform siya on stage. Bago matapos ang kanyang performance ay hiniling niya sa audience na ipagdasal daw natin si Vhong.

Kuya Kim feel mag-ala Joel Torre

Ayon kay Kim Atienza, sa ngayon ay wala pa naman daw siyang balak na pasukin ang pag-arte. Hanggang hosting lang daw muna ang drama niya ngayon at pagiging celebrity endorser.

Pero if ever na hindi maiwasang mabigyan siya ng acting job, ang gusto raw niya ay hindi Kuya Kim ang role niya kundi ibang karakter.

Ang dami ko na kasing nilabasan na ang role ko parati ay si Kuya Kim din, nakasumbrero rin parati,” say ni Kuya Kim sa presscon ng kanyang latest endorsement product na Novuhair.

“Gusto ko, tipong kontrabida, character actor, offbeat, parang Joel Torre sa On the Job (OJT). Ayoko ng Kuya Kim. Madali ‘yung Kuya Kim, ako ‘yun eh. Gusto ko iba naman, if ever,” he said.

Panglima na si Kuya Kim sa gumagamit ng Novuhair na nakakapagpalago ng buhok. Hindi naman siya kalbo at ‘yun din ang unang sinabi niya sa may-ari nang alukin siya para maging product endorser.

“Sabi ko sa owner na si May, ‘May, hindi naman ako kalbo eh.’

Ang sabi sa akin, ‘No, it’s not being kalbo, it’s about explaining the product what it’s all about kasi the product is very complex eh. It’s made of 13 different herbs and all of them are naturally working in synergy with each other.’

“For example, malunggay alone is not good as malunggay dapat with aloe vera or malunggay with ginger. So, mayroong synergy ‘yung 13 ingredients,” paliwanag ni Kuya Kim

Bago niya tinanggap ang offer ay ginamit niya muna ang Novuhair at naging satisfied naman daw siya sa epekto nito.

“I’ve been using it for three months now and my hair is okay. Ang solusyon ng pagkakalbo ay nasa anit. Masarap ang pakiramdam ng anit ko ngayon,” sabi ni Kuya Kim.

 

vuukle comment

JOEL TORRE

KIM

KUYA

KUYA KIM

NAMAN

NIYA

NOVUHAIR

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with