^

Pang Movies

Bumanat sa matuwid na daan, Sen. Bong: Kung anuman ang meron ako, pinaghirapan ko sa shooting ng mga pelikula

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagsalita na nga si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Senado kahapon hinggil sa kontrobersiyal na pork barrel scam and one thing na una niyang nilinaw, wala raw siyang kinalaman dito.

Idinagdag din niyang hindi niya pirma ang mga nasa dokumento na sinasabing ebidensiya laban sa kanya. Tinawag niyang “Boy Pirma” at pekeng whistle blower si Benhur Luy at sinabing kasinu­ngalingan daw ang mga sinabi nito.

“Isinusumpa ko po sa halos da­la­wangpung mil­yong botante na nagtiwala at bumoto sa akin na hindi po ako nagtraydor sa inyo. Bigyan n’yo po ako ng pagka­kataon na linisin ang aking pangalan. Huwag n’yo po akong husgahan,” pahayag ni Sen. Bong.

Ang lahat daw ng mayroon siya ngayon ay bunga ng paghihirap niya mula sa kanyang sariling pawis at sa marangal na paraan.

Sabi pa niya, “I’ve been working for over thirty years. Kung anuman po ang mayroon ako at ang aking pamilya, ang lahat po ng ito ay pinaghirapan ko sa magdamag na shooting at daang pelikula.

“Maghapon at magdamag na taping ng mga TV show,  mga product endorsement,  at mga commercial.”

Binatikos din ni Sen. Revilla ang administras­yon ni Noynoy Aquino sa pagpapatakbo ng bansa. Sinilip at kinuwestiyon niya ang ating ekonomiya, kahirapan, corruption, pagtaas ng singil sa kuryente, at iba’t iba pang problema sa bansa.

Kinuwestiyon din niya ang sinabi ng DOJ (Department of Justice) na trak-trak daw ang ebidensiya laban sa kanila at medyo naging comedy ang dating sa speech niya nang ilabas na ang mga ebidensiya na nakalagay sa laruang trak.

Pinaalalahanan din niya si Pres. Noynoy na siya at iba pang akusado sa pork barrel scam ay bahagi ng kanyang pinamumunuan bilang pangulo kasama na rin ang iba pang ordinaryong mamamayan.

“Hindi ko na po hinihiling na piyan­sahan n’yo kami sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa amin ang Sandigang Bayan. Ang kahilingan ko lang, Ginoong Pangulo, ay itrato mo kaming pantay at ipagpalagay na inosente hangga’t hindi napapatunayan na kami nga ay nagkasala,” pakiusap ni Sen. Bong kay P-Noy.

From time to time ay ipinapakita rin ng came­ra si Sen. Jinggoy Estrada na as we all know ay isa rin sa sangkot sa issue at mahahalata mo sa kanyang reaksiyon ang pagsuporta sa sinasabi ng kaibigan.

Sinabi rin ni Sen. Bong na siya na lang daw ang kutyain at huwag nang idamay ang kanyang pamilya.

Sa huling bahagi ng speech ni Sen. Bong ay hindi na napigilan ng kanyang amang si former Sen. Ramon Revilla, Sr. ang mapaiyak. Maging ang asawa niyang si Rep. Lani Mercado ay napapaluha na rin.

Sam tinigil na ang panliligaw kay Jessy

Ayon kay Jessy Mendiola sa kanyang panayam sa Buzz ng Bayan, wala na raw silang gaanong communication ni Sam Milby dahil sa kanilang conflicting schedules.

 â€œAt first, siya ’yung may time. Ako kasi, noong nag-start siyang manligaw and umamin siya sa lahat na nanliligaw siya, siya ’yung maraming time and ako ’yung medyo walang time kasi nag-start din ’yung Maria Mercedes. And as much as possible, I wanted to get to know him more,” sabi ni Jessy.

Ayon pa sa young actress, kung siya ang masusunod, ang gusto niya ay tumagal muna ang panliligaw ni Sam dahil gusto niya itong makilala nang husto.

 â€œFor me kasi, gusto ko talagang tumagal (ang panliligaw). Siyempre kapag makikipagrelasyon ka, dapat kilatisin mo muna ’yung tao. I rarely see him anymore,” sabi ng dalaga.

Ang alam namin ay malapit nang magsimulang mag-taping si Sam ng Dyesebel kaya tiyak na mas mawawalan siya ng oras na makipagkita kay Jessy.

 

AYON

BENHUR LUY

BONG REVILLA

BOY PIRMA

JESSY

NIYA

SEN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with