^

Pang Movies

Susan pinalalakas ang loob ni Bea

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halatang excited si Bea Alonzo sa bagong serye niya sa ABS-CBN, Sana Bukas pa ang Kahapon. Parang ’di siya makapaniwala na sina Susan Roces at Anita Linda ang mga kasama. Mga batikang artista at hindi basta nanalo lang sa star search.

Kabado si Bea habang umeeksena with Susan. Subalit mismong si Manang Inday ang nagpayong huwag kabahan dahil kaya raw niya iyon. Pinapalakas ang loob ni Bea.

Bihirang tumanggap ng teleserye si Susan kaya sobrang saya ni Bea at kasama na niya sa TV series ang dating Queen of Philippine Movies.

Roi pinagpawisan kay Bentong

Magaling sa drama at action si Roi Vinzon pero hindi niya mapigilang magdusa sa eksena na hahalikan siya ni Bentong sa Bubble Gang. Pinagpawisan ang aktor dahil kailangang hindi siya tatawa habang papalapit si Bentong sa kanya.

Grabe ang mga agaw-eksena ngayon ni Bentong sa sitcom. Bagay na hindi gustong ipagwalang bahala ni Diego Lorico. Hindi raw siya papayag maagawan ng korona bilang tunay na beki ng Bubble Gang. Original kasi siya rito.

                                                               

 

vuukle comment

ANITA LINDA

BEA

BEA ALONZO

BENTONG

BUBBLE GANG

DIEGO LORICO

MANANG INDAY

QUEEN OF PHILIPPINE MOVIES

ROI VINZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with