^

Pang Movies

Solenn tuwang-tuwa na pinabata

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahapon umalis si Solenn Heussaff for Tok­yo, Japan para mag-shoot ng isang short film at five days siya roon kaya wala siya sa opening ng movie nila ni Kiko Matos, Martin Escudero and directed by Benito Bautista, ang Mumbai Love sa Wednesday, Jan. 22. 

Ayon kay Solenn, nag-enjoy siya sa shooting nila sa Mumbai, India at kapag napanood daw ang movie hindi raw sila mapapahiya dahil pang-Bollywood ang mga eksena nila.

“Off-camera, super kalog ako, adventurous, gusto ko laging naka-shorts, and slippers lang. Kaya natuwa ako sa role ko na pinabata ako,” kuwento ni Solenn sa amin before the presscon.

“Kaya may pagka-kikay ako, innocent, kaya ibang Solenn ang makikita ninyo as Ella, na mahilig mamili ng mga accessories sa India para sa jewelry shop niya sa Makati. Doon ko makikilala ang Indian-Filipino businessman na si Nandi (Kiko).  Makikita ninyo sa movie ang isang modern love story, between a Pinay and an Indian. Will love prevail over religion and tradition ng dalawang bansa? If I will have time, gusto kong bumalik sa India. I grew up kasi in a multi-culture environment kaya naa-appreciate ko ang mga nakikita ko sa countries na napupuntahan ko.”

Marian at Jennylyn game na game

Game na game na nag-host sina Marian Ri­ve­ra at Alden Richards, Jennylyn Mercado at Mark Herras kahapon sa Sinulog Festival atop the float ng GMA Network na live na napanood sa Sunday All Stars habang nililibot nila ang kabuan ng Cebu City. 

Nag-promote ang dalawang love teams ng kani-kanilang bagong primetime drama series, ang Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw) nina Marian at Alden at ang Rhodora X nina Jennylyn at Mark. Magkasunod na mapapanood sa Lunes, Jan. 27 ang dalawang primetime shows.  

Meanwhile, nasa Studio 7 naman si Dingdong Dantes na one of the judges ng mga perfor­mances sa show, kasama sina Janno Gibbs at Jaya.

Rafael nakalimutang naging tatay na

Medyo pala naging hesitant si Rafael Rosell na tanggapin ang bago niyang afternoon prime drama series na The Borrowed Wife dahil isang father role iyon at first time raw niyang gaganap na may anak na. Nalimutan yata ni Rafael na tatay din ang role niya sa Maghihintay Pa Rin nila noon ni Bianca King sa GMA 7.

First time rin ni Rafael na gaganap na pinag-aagawan ng dalawang babae, una ang naging wife niya sa story, si Maricar (Charee Pineda), na later on ay magiging si Sofia (Camille Prats), at ang obsessed sa pagmamahal sa kanyang si Tessa (Pauleen Luna). Nangi-ngiting kuwento ni Rafael sa presscon, dati raw ay siya ang nakikipag-agawan sa ibang lalaki para sa minamahal niyang babae, ngayon ay baligtad ang kanyang role. 

Pero acting piece raw ang role niya at siguro raw magsisisi siya kung hindi niya tinanggap. Biniro tuloy si Rafael na dapat ay ma-in love na siya muli para mas masaya ang buhay niya at hindi sa mga soap lamang siya nagmamahal at minamahal. 

Mamaya na, after ng Magkano ang Pag-ibig, mapapanood ang The Borrowed Wife.

 

ALDEN RICHARDS

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

BENITO BAUTISTA

BIANCA KING

BORROWED WIFE

CAMILLE PRATS

RAFAEL

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with