^

Pang Movies

Marian at Dingdong walang paki sa mga naghahabol sa kanilang panalo sa Vietnam

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagkibit-balikat na lamang ang manager ni Marian Rivera, si Rams Da­vid, sa balitang kinu-question ang panalo nila ni Dingdong Dantes as the favorite foreign actor and actress, respectively sa isang poll conducted by Vietnam’s Today TV.

Sabi nang mga nang-iintriga, baka raw gawa-gawa lamang ang pagbibigay ng award dahil wala namang nasulat na may kalaban silang ibang fo­reign artists. 

Nagpasalamat na lamang sila sa parangal na ibi­nigay sa kanila. Nanalo namang favorite Vietnam actor si Thanh Thuc at favorite Vietnam actress si Ha Mi (Sam). Nagpadala lamang ng message sina Marian at Dingdong dahil hindi sila nakadalo sa presentation last Jan. 8, busy na kasing nagti-taping ang actress ng Carmela.

Sa December pa raw ang awards night at kung magkakaroon ng time ay baka sabay silang pumunta roon. Last November 2013 nagpunta roon si Ma­rian. Hindi naman kataka-taka kung mapili sila ng TV audiences doon dahil naipalabas na roon ang Marimar at Dyesebel at kasalukuyang ipinalalabas ang Temptation of Wife. Susunod daw na ipalalabas ang Ang Babaeng Hinugot sa aking Tadyang.

Nag-imbita na lamang si Rams sa opening night ng musical play na Rak of Aegis sa Friday, Jan. 31, 8:00 p.m. sa PETA Theater in Quezon City na siya ang sponsor. Napanood namin ang excerpts ng play at tiyak na mag-i-enjoy lalo na ang fans ng Aegis na hindi nahirapan ang writer na si Liza Magtoto at director Maribel Legarda na kausapin ang Aegis, na natuwa pa nang malamang mga songs nila ang ipi-feature sa musicale. Love in the Time of Calamity (during typhoon Ondoy) ang concept ng musicale na pangungunahan ni Aicelle Santos with Joan Bugcat as her alternate. Kasama rin sa cast sina Isay Alvarez-Sena, Robert Seña, Cacai Bautista, at iba pang PETA artists.

Louise uunahang sumisid si anne

Ngayon pa lamang ay pinagsasabong na ang dalawang bagong gaganap na sirena sa TV, sina Anne Curtis for Dyesebel ng ABS-CBN at Louise de los Reyes sa Kambal Sirena ng GMA 7. Pero walang mangyayaring salpukan sa dalawang sirena dahil mauunang mapanood sa primetime si Louise sa Feb­ruary, with Aljur Abrenica at Mike Tan, kapalit ng Adarna, kaya baka patapos na sila saka pa lamang ipalalabas ang Dyesebel na sabi’y sa May pa ipalalabas para raw bakasyon ang mga bata at mapapanood nila ang fantaserye.

Fans ni Kim inaasahang magpapasiklab

Dapat ipakita ng fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang todo-suporta nila sa kanilang mga idolo para maging successful ang second movie team-up nila, ang Bride for Rent, ng Star Cinema. After kasi nang ginawa ni Kim sa kanilang presscon, marami ang nagsasabing baka makaapekto ito sa showing ng movie. Pero marami rin ang umaasang dahil maganda at nakatutuwa ang mga eksena sa movie na idinirek ni Mae Cruz, tiyak na kikita pa rin ito sa takilya. 

Malalaman na ’yan mamayang gabi, sa premiere night ng movie sa SM Megamall Cinema 9 sa Mandaluyong City na dadaluhan ng buong cast.

          

 

AICELLE SANTOS

ALJUR ABRENICA

ANG BABAENG HINUGOT

ANNE CURTIS

CACAI BAUTISTA

DINGDONG DANTES

DYESEBEL

HA MI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with