^

Pang Movies

Geoff confident na hindi iiwan ni Carla kahit lumobo sa 300 lbs.

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Alam ni Geoff Eigenmann na na-typecast na siya bilang leading man. Kaya naman hangad din niyang magiging rugged at magkontrabida naman sa ibang projects.

“Gusto ko ng action. I’d like to play a gay role. Challenge ’yon eh,” saad ni Geoff nang pasyalan ng press sa taping ng Adarna.

Alam din kasi niya predictable ang roles na ibinigay sa kanya.

Rason niya, “’Yun ang ibinibigay sa akin eh. Hindi naman lahat kami nakakapili ng roles na gusto naming gawin. We just do what we have to do. Management’s decision ‘yon. Basta ako, nag-i-enjoy! I’d still love what I do no matter what will it be!”

Pagdating sa relasyon kay Carla Abellana, tatlong taon na sila. Pumasok man nung unang taon ng kanilang relasyon ang pakasalan ang aktres, hindi rin niya pinursigi ’yon dahil hindi siya ’yung tipo ng taong nagpaplano.

“’Pag sigurado ka naman at maganda ’yung bagay na pinapasok mo, go for it!” katuwiran ng aktor.

Wife material ba si Carla?

“Oo naman. Hindi na kailangang tanungin ’yan. Kitang-kita naman. Sa tingin mo? Mas iresponsable pa ako eh! Hahaha!” pag-amin ni Geoff.

“Yeah! I’m ready. I’ve wanted kids already. Matagal na akong… mahilig talaga ako sa bata. ’Yung step na I have to take to is be more responsible. Yeah, I’m ready!” katuwiran pa ni Geoff.

Eh nung tumaba siya, never pumasok na iiwan siya ni Carla?

“Kahit umabot pa ako ng 300 pounds, confident ako na hindi niya ako iiwan! Hahaha!” bulalas pa ng aktor.

John Lapus nakikipagtawanan na sa nakaaway

Nagtapos na ang alitan kina John Lapus at writer/radio host na si Jobert Sucaldito. Sa opening ng The Library Metro Walk sa Pasig City personal na nilapitan ni Jobert sa kinauupuan si Sweet at bumati ito.

Wala namang isnabang nangyari at tinanggap naman ni Sweet ang pagpapakumbaba ni Jobert. Halakhakan ang naging ending ng dalawa.

 Minabuti ni Jobert na wakasan na ang away nila ni John lalo na’t na-dismiss din ang kaso ng isa’t isa. Ayon sa post ni Jobs sa kanyang Facebook account, minabuti niyang mag-ayos sila ng komedyante ngayong panahong wala na ’yung kaso nila.

Tama naman siya na baka mabigyan ng ibang kahulugan kung ongoing pa ang kaso.

Ang isa pang taong nakaayos ni Jobert ay ang writer na si Allan Diones. Saksi kami nang lumapit si Jobert kay Allan na yumakap at gayun din ang huli.

 

vuukle comment

ALAM

ALLAN DIONES

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

JOBERT

JOHN LAPUS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with