Nora nanahimik, hinihintay na madeklarang National Artist
Bakit masyado yatang tahimik ngayon ang kampo ni Nora Aunor? Wala silang masyadong press releases, wala rin ang fans niyang napakahilig na magmura. Mukhang talagang ang hinihintay nila ay iyong maideklara nga siyang isang national artist muna. Tahimik sila maski sa sinasabing sisimulan niyang project.
Iyong sisimulan naman niyang project, isang indie film na naman na ang director ay ang first timer sa filmmaking na si Perci Intalan, ang dating program executive ng TV5. Tungkol yata iyon sa isang sakit na karaniwang dumadapo sa mga matatanda, parang nababaliw o anuman. Basta iyon ay isang mental problem. Marami nga ang nagsasabi, ang mga hit movie ni Nora ay iyong masasayang klase. Hit siya sa mga musical. Noong pababa na ang kanyang career, naisalba siya ng pelikula niyang Annie Batungbakal na ginawa ni Maryo delos Reyes na musical din. Bakit nga ba hindi gano’ng klaseng pelikula ang gawin niya?
Kung sabagay sinasabi nga, matanda na rin naman si Nora at mukhang hindi na maganda kung magsasasayaw pa siya sa edad niya. Wala na rin naman siyang boses na sa paniwala namin ay dahil sa kanyang paninigarilyo at pag-inom nanggaling.
Pero siguro naman dapat gumawa rin siya ng mga pelikulang medyo masaya naman hindi iyong puro nakaka-depress. At saka kailan ba naman nasabing depressing movies lamang ang maaaring maging magandang pelikula?
Dapat nakikita nila, ano ba ang nagiging resulta ng film festival? Ang gusto ng mga Pinoy ay iyong matatawa sila. Iyong masisiyahan sila. Aba, eh nakaka-depress na nga ang buhay sa Pilipinas, dadagdagan mo pa ng ganyang pelikula. Paano ka pa nga ba kikita?
Ang sinasabi namin, ito ha. Dapat magpalit ng diskarte sa mga ginagawang pelikula si Nora. Nakakahiya na masabing ang isang idedeklarang national artist ay walang ginagawa kundi low-budget indie films at hindi sinusuportahan ng masang Pilipino. Paano mo nga ba sasabihing national artist ang isang tao kung ang nanonood naman sa kanya ay pi-pito?
Alma kapalaran na ang makipaghiwalay sa asawa
Inamin na rin finally ni Alma Moreno ang katotohanan na isang taon na silang hiwalay ng kanyang asawang mayor sa Marawi City sa Mindanao. Hindi raw sila nag-uusap, wala na silang communication, at mukhang ang sinasabi niya ay magkaiba sila nang nakagisnan kasi.
Hindi na naman bago iyan. Nahiwalay si Alma kay Rudy Fernandez, kay Mang Dolphy, kay Joey Marquez, at ngayon nga ay sa asawa niyang mayor na pareho na silang may edad nang nagkakilala. Lahat ng kanyang relasyon ay talaga namang nauuwi sa hiwalayan. Iyon na nga siguro ang kapalaran niya, ang mahiwalay sa asawa.
Siguro rin, ang masasabi nating pagkakamali lamang ni Alma ay mabilis siyang ma-in love at mabilis din namang gumawa ng desisyon na, sige, mag-aasawa na siyang muli.
Mga celebrity hindi nagpakita sa pista ng Nazareno
Na-miss namin ang mga artistang dating nakikita namin sa Quiapo, Manila. Wala na kasi si Lito Calzado na talagang bumubuhat pa sa imahen ng Itim na Nazareno.
Hindi rin namin nakita si Kuya Germs (German Moreno) na sa Nazareno humingi ng una niyang trabaho “kahit na janitorâ€, at naging janitor nga siya sa Clover, pero roon naman siya na-discoÂver hanggang sa naging isang Master Showman na ngayon.
- Latest