^

Pang Movies

Vice nakatikim kay Kris!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sinabi ni Vice Ganda na hindi naman daw nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila ni Kris Aquino dahil lang sa magkalaban ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival.

“Walang ganu’n. Walang ganun’g tension,” say niya sa kanyang panayam last Sunday sa The Buzz.

Kwento nga niya, noong MMFF awards night nga raw, nagbiruan pa sila.

“Nakakatawa nga ‘yang si Kris. Di ba, sa sobrang close nga namin ni Kris, asawa nga ang tawag namin.

“Noong awards night, pagkatapos kong tangga­pin ang Second Best Picture, sabi niya, ‘Asawa, dito ka dumaan (sa harap ng upuan nya).’

“So, doon ako dumaan, tapos bumeso ako. Pagbeso niya sa akin, ‘Beh, talo ka ni Robin, siya ang mananalo (ng Best Actor).’ Ginanun niya talaga ako. Sabi ko, ‘Siya talaga ang mananalo?’ Sabi niya, ‘Feeling ko, beh!’

“So, kami ba, kung hindi kami ganoon ka-close, magaganun niya ako?” say ni Vice Ganda.

“May relasyon kami ni Kris na maayos,” dagdag pa ng komedyante.

Anyway, masayang-masaya naman si Vice sa big success  na tinamo ng MMFF movie niya na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na as we all know ay nag-no.2 sa box office at umabot sa 300M ang kinita. Aniya, ay wala na raw siyang paglagyan talaga ng kanyang saya.

Pero aminado rin naman siya na medyo natatakot na tuloy siya ngayon na gumawa ng pelikula dahil siyempre, inaasahan na ng mga tao na next movie niya ay patok na naman at pressure ito sa kanya.

“Kung ie-entertain mo po lahat ng sinasabi, lahat ng naririnig mo, nakakatakot talaga. Kaya hinahayaan ko na lang lahat ng naririnig ko. Hindi ko masyadong kinakarir kung ano ang sinasabi ng tao,” he said.

Idineklara rin ng komedyante na ang GBBT ang una at huling pagkakataon na gaganap siya ng apat na karakter. Iniyakan na nga raw niya ito at isinumpang hindi na siya gagawa uli ng tulad nito.

Kahit sobrang hirap ang naranasan, say naman ni Vice, worth na worth naman daw ang lahat ng pagod at hirap kaya naman masayang-masaya siya.

Kris nagpaka-loyal

Ngayong settled na ang issue ni Kris Aquino na may tatlong linggo rin yatang naging laman ng babasahin at social media, ang next na aabangan naman ng lahat ay kung anu-ano ba ang pagbabago sa new contract ng Queen of All Media sa ABS-CBN.

Needless to say,  for sure ay may mga bagong agreement na nakapaloob sa kontrata para mag-decide si Kris at ang kanyang mga managers (Deo T. Endrinal and Boy Abunda) na mag-renew sa Kapamilya network at isnabin ang offer ni Manny V. Pangilinan ng TV5.

Everybody’s wondering now kung anu-ano ba ang naka-line-up sa kanyang shows sa Kapamilya this 2014.

Well, yan ang malalaman natin soon.

Samantala, marami namang bumabati kay Kris sa desisyon niyang mag-stay sa ABS-CBN lalo na ang kanyang mga followers sa abroad na parating nanonood ng Kris TV.

BEST ACTOR

DEO T

ENDRINAL AND BOY ABUNDA

KAPAMILYA

KRIS

KRIS AQUINO

NAMAN

NIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with