^

Pang Movies

Kris babayaran ng bilyun-bilyong piso ng TV5!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang loudest whisper ngayon sa showbiz, TV5 is willing to pay Kris Aquino billions kung lilipat siya sa Kapatid Network.

Unti-unti namang maa-acquire na ng TV5 management ang GMA 7 kaya para na rin siyang Kapatid, kung sa Kapuso Network siya lilipat.

Nagtataka lang kami sa sudden change of heart ni Aquino girl sa pagba-baboo from his Kapamilya camp.

Billy sinolo si Coleen sa New York

Kahit patuloy ang pagpro-protesta ng starlet na si Coleen Garcia na siya ang third party sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil, palagi namang may lumalabas na ebidensiya na something special ang relasyon nila ng singer/TV host.

Biglang kumalat sa Internet ang litrato nina Billy at Coleen habang nanonood ng Nets and Bucks match sa Barclay’s Arena in New York, USA. Sila lang dalawa ang nakitang magka-join at walang ibang kapwa artista noong Dec. 27.

Siyempre hindi naman parte ng “honeymoon’’ ng inseparable couple ang panonood ng nasabing laro. Baka naman may show sila sa NYC, na kasama pa ang ibang Kapamilya stars.

Of course hindi na magre-react sa larawan si Nikki dahil matagal na silang hiwalay ni Billy. Naka-move on na siya and she is already entertaining suitors.

Ricky Martin welcome maghanap ng papa sa ’Pinas

Mga acheng, hiwalay na ang baklitang si Ricky Martin at ang kanyang boyfriend na si Carlos Abella. Inaabangan na ng mga kafatid sa buong mundo kung sino ang iibigin ng former Menudo member.

Ate Ricky, sa Pilipinas ka maghanap ng bagong love. Marami ritong mga poging paminta na tiyak na iibigin ka ng wagas na wagas!

Rain balik-eksena, may album at Hollywood film

Now on Top 10 charts worldwide is South Korea’s international star Rain’s new album, Rain Effect. Nasa CD ang mga kantang 30 Sexy at LA Song which are already translated in music videos.

Nakatakdang lumabas si Rain sa movie nina Bruce Willis at John Cusack, The Prince. Tunay na world class ang appeal ng Koreano.

Mommy Raquel takot sa hatian ng yaman nina Charice at Alyssa

Ang tinutulan nang husto ni Raquel Pempengco na mother ni Charice, ang balak na pagpapakasal ng kanyang anak kay Alyssa Quijano.

Pumayag ka na, Mommy Raquel. Wala namang batas na nagsasabing magiging conjugal ang kanilang properties at yaman kung same sex ang magpapakasal. Saka sa U.S.A. lang puwede ’yon, kaya’t hindi valid sa ating bansa.

Luis parang baguhan sa galaw ng showbiz

Say ni Luis Manzano, ‘‘This is a funny industry — damned if you, damned if you don’t. So, I chose to be quiet.’’

Mukhang hindi pa gaanong sanay sa showbiz si Luis kung sana kumikita siya ng maraming pera at kung saan siya isinilang, lumaki, at nagkaisip!

Pati si Jennylyn Mercado, nananahimik din at never magsasalita sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Angel nakatutok sa trabaho hindi sa lalaki

Kahit nga sina Angel Locsin at Phil Younghusband ayaw pa ring sabihin kung bakit sila naghiwalay. Both of them enjoyed the times they were together at pareho silang nag-enjoy noong magkasama pa.

Phil might be dating a new girl pero si Angel magko-concentrate na lamang sa trabaho. No time for love muna ang drama ng aktres.

Claudine binansagang ina ng lahat ng pagsubok

Nagkaroon ng bagong titulo si Claudine Barretto dahil sa rami ng mga problema niya last year. Siya ang binansagang ‘‘Mother of All Trials.’’

Baka naman ma-solve lahat ng kanyang problema this 2014.

Sana naman.

 

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

ANGEL LOCSIN

ATE RICKY

BILLY CRAWFORD

MOMMY RAQUEL

NEW YORK

RICKY MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with