^

Pang Movies

KC sa hospital nagbagong taon, na-pneumonia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sobrang init ng panahon kahapon as in parang Holy Week ang climate kaya marami ang nagkakaroon ng sakit.

Kabilang si KC Concepcion sa tina­maan ng sakit kaya nag-Bagong Taon siya sa ospital. Apat na araw na na-confine sa ospital si KC dahil sa pneumonia at nagpasalamat siya sa lahat ng mga doktor, nurse at tiya niya na nag-alaga sa kanya.

Resulta ng pagod, puyat at pabagu-bagong lagay ng panahon ang pagkakasakit ni KC na naging busy noong December 2013 sa shooting at promo ng Shoot-To-Kill: Boy Golden.

Elmo at Janine hindi na nagtatago

Hindi na itinatago nina Elmo Ma­galona at Janine Gutierrez ang kanilang relasyon. Saksi ang co-stars nila sa Villa Quintana sa sweetness ng da­lawa.

Nagsimula sa set ng Villa Quintana ang love affair nina Elmo at Janine. Nakikita sila na holding hands sa mall at one time, si Ruffa Gutierrez ang naka-sight sa kanila.

Si Lauren Young ang ex-dyowa ni Elmo. Hindi maamin ni Lauren na hiwalay na sila ni Elmo dahil consistent siya noon sa pagde-deny  na boyfriend niya ang anak ni Francis Magalona.

College graduate si Janine at five years older siya kay Elmo. Hindi masyadong malaki ang agwat ng edad ni Janine kay Elmo. Uso naman ngayon na mas matanda ang mga babae sa kanilang mga boyfriend.

Carl mamahaling maleta ang bigay sa GF na si Kris

Mamahalin na maleta ang Christmas gift ni Carl Guevara sa kanyang girlfriend na si Kris Bernal. May nagbigay sa akin ng maleta na kagaya ng regalo ni Carl kay Kris kaya knows ko ang presyo.

Matagal nang may relasyon sina Kris at Carl pero hindi lantaran dahil pinoprotektahan ni Kris ang love team nila ni Aljur.

Tanggap na ng fans nina Kris at Aljur na hindi magkakatuluyan ang kanilang mga idol dahil going strong ang relasyon ni Aljur kay Kylie Padilla.

Renovation ng bahay nina Regine at Ogie aabutin ng isang taon

Isang taon ang aabutin ng renovation ng bahay nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kaya napilitan sila na maghanap ng marerentahan na bahay na malapit din sa kanilang tahanan.

Hindi madali ang magpa-renovate dahil mas madali pa ang magpatayo ng bagong bahay. Lumalaki na ang anak nina Regine at Ogie na si Nate kaya nagdesisyon ang magdyowa na ipaayos ang tahanan nila sa Quezon City.

Cesar at rockstar na si Mig Ayesa nag-jamming sa Bohol

Napilitan kahapon si Cesar Montano at ang kanyang mga anak na pumunta sa Cebu City para makasakay ng eroplano na pabalik sa Maynila.

Nakansela ang mga flight sa Tagbilaran City dahil nasira raw ang airport. Maraming pasahero ang naapektuhan at para makabalik sila sa Maynila, sumakay ng ferry sina Cesar at ang kanyang mga anak para makarating  sa Cebu. Maghahanap na lang sila sa Cebu airport ng available plane na magdadala sa kanila sa Maynila.

Nagdiwang ng Bagong Taon sa bahay nila sa Baclayon ang mag-aama. Very happy si Cesar dahil nagkasama-sama sila ng kanyang mga anak noong Christmas at New Year.

Nagkita rin sa Bohol si Cesar at ang Filipino-Australian rockstar na si Mig Ayesa. Bilang pareho sila na kumakanta, nag-jamming sina Cesar at Mig.

                                                  

vuukle comment

ALJUR

BAGONG TAON

ELMO

JANINE

MAYNILA

MIG AYESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with