^

Pang Movies

Namatay na nanay hindi kilala si AiAi

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ngayong umaga (Jan. 3) ang libing ng biological mother ni AiAi delas Alas na si Gng. Gregoria Hernandez delas Alas sa Eternal Gardens, Quezon City na matatandaang sumakabilang buhay noong Dec. 30 dahil sa Alzheimer’s Disease.

Dalawang taon na raw ang Alzheimer’s ng nanay ni Ai at nakaka-touch ang kuwento niya na hindi sila kilalang magkakapatid ng kanyang nanay at ang akala raw nito ay tiyahin siya nito.

Ang kilala raw ng kanyang nanay na Aileen (AiAi) ay ang standee niya na nakalagay sa kuwarto nito.

Ang standee raw niya ang kinakausap ng kanyang nanay at pinagsusumbungan kapag pinagagalitan ito ng kanyang ate dahil hindi raw magkasundo ang mga ito.

Kapag kakain daw ang nanay niya ay ang standee rin niya ang inaalok nito at ‘yun din daw ang hinahalikan nito.

Kapag tinatanong daw niya ang kanyang nanay ng “sino ako?” ang isasagot daw nito “’di ba, ikaw ang tiyahin ko?”

Hindi na nakauwi sa ‘Pinas ang dalawang anak ni AiAi na sina Nicollo at Sofia na kasalukuyang nasa US kasama ang ama ng mga ito na si Miguel Vera. Tanging ang panga­nay lang niyang anak na si Sancho ang karamay niya sa pagdadadalamhati rito.

Hindi pa raw kasi puwedeng umalis sa US ang dalawang bagets dahil kakukuha lang daw ng green card ng mga ito na labis ipinagpapasalamat ni AiAi dahil green card holders na raw ang kanyang mga anak.

To AiAi and her family, our sincere condolences.

Maricel walang balak bastusin ang mga nagbigay ng award

Nilinaw ng publicist ni Maricel Soriano na si Chuck Gomez na hindi totoong balak isoli ng Diamond Star ang Metro Manila Film Festival (MMFF) best actress award na napanalunan para sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

 â€œNot true,” ang sagot niya sa text message namin kahapon asking if true na isosoli ni Maria ang award.

Si Maria ang hinirang na best actress sa ginanap na awards night ng MMFF last Dec. 27 at maraming fans and netizens ang hindi pabor sa desisyon ng mga juror dahil para sa kanila, mas deserving daw si KC Concepcion na manalo para naman sa pelikulang Boy Golden: Shoot to Kill.

Sa Facebook din itinanggi ng manager ni Maria na si Shirley Kuan ang tungkol sa isyu ng pagsosoli ng award.

“Happy New Year na lang sa mga umaasa na isoli ni Maricel ang award. May mga nangangarap pa talaga ng second hand award? Maricel won Best Actress fair and square and deservedly so. Watch her performance first. Ayoko sana patulan pero sige pagbibigyan ko na kayo para happy kayo sa new year. Kawawa naman kayo eh! Push!” ang post ni Shirley sa FB account ni katotong Ricky Calderon.

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

BOY GOLDEN

CHUCK GOMEZ

DIAMOND STAR

ETERNAL GARDENS

GREGORIA HERNANDEZ

MARICEL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with