^

Pang Movies

Pami-pamilya pumila at gumasta sa MMFF entries

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tila hindi puyat sa magdamagang Christmas celebration ang mga Pinoy dahil sa mismong araw ng Pasko (Dec. 25) ay sumugod agad ang maraming tao sa opening ng 2013 Metro Manila Film Festival sa mga mall.

Alas-nuwebe pa lang ng umaga ay bukas na ang mga sinehan at hindi na nila pinatupad ang “one time screening only” dahil puwede kahit na anong oras ka pumasok at uulitin na lang kung sa kalagitnaan na ng pelikula ang naabutan.

Pero pagdating ng hapon ay naging strict na ang mga taga-bantay dahil masyadong overcrowded na sa loob ng mga sinehan. Bukod sa mga nakatayo ay meron nang mga nakaupo na sa mga aisle.

Ang worry lang ng mga theatre usher ay ang mga senior citizen na naka-wheelchair. Mas binibigyan nila ng priority ang mga ito dahil baka nga naman maipit ang mga ito kapag nagpapasok pa sila ng maraming tao.

Kaya pinapila na sa labas ang mga tao at pinaghintay hanggang sa matapos ang screening. Tama lang naman iyon para sa amin dahil ang hirap nga namang i-control ang malaking crowd. Kawawa ang mga senior, lalo na at may mga bata pa sa loob ng sinehan.

Saksi kami sa mahahabang pila sa mga pelikulang My Little Bossings, Girl Boy Bakla Tomboy, at Pagpag: Siyam na Buhay.

Sila nga ang Top 3 na pinipilahan ngayon dahil sa marami nilang fans, bata man o matanda.

At kahit nga ang bayad sa sinehan ay P200 bawat isa (depende pa ito sa kung anong sinehan), makikita na isang pamilya ang nanonood kasama ang ilan pang mga kamag-anak.

May nakasabay nga kaming labing-lima silang nanood at tumataginting na P3,000 ang ibinayad ng nanlibre sa kanila. Hindi pa kasama roon ang inumin at pagkain ng bawat isa. Kaya kuwentahin mo na lang kung magkano ang ginastos ng pamilyang ito sa araw na iyon.

Kaya hindi rin masasabing walang pera ang mga Pinoy tuwing Pasko.

Justin Bieber nabuwisit sa rami ng naninira, nagretiro na lang

Maraming fans ni Justin Bieber ang nagulat sa isang tweet nito na siya ay magre-retire na. Lumabas ang tweet noong Christmas Eve at marami ang nalungkot at hindi maganda ang reaction.

Naging maintriga kasi ang 2013 para kay Justin dahil sa mga balitang guma­gamit siya ng drugs, nandudura, nag-iingay sa kanilang neighborhood, nagbitbit ng isang animal na walang proper documentations, nakipaghiwalay kay Selena Gomez, tinawag na troublemaker, at nagbanta pang papatayin ang isang paparazzi.

Pero kung may nagawa mang maganda si Justin, ito ay ang naghatid siya ng saya at pag-asa sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Dumating ang Canadian pop superstar sa bansa na tahimik lang at dinala niya ang na-raise niyang funds sa pamamagitan lamang ng isang viral video.

Ang nakakapagtaka ay hindi man lang naibalita sa ibang bansa ang magandang ginawang ito ni Bieber sa Pilipinas. Puro hindi magagandang balita ang lumalabas kaya siguro ay burnout na ang sikat na teen singer.

Heto ang naging statement ni Bieber para sa kanyang fans:

“My beloved beliebers I’m officially retiring. The media talks a lot about me. They make a up a lot of lies and want me to fail but I’m never leaving you, being a belieber is a lifestyle.

“Be kind and loving to each other, forgive each other as God forgave us through Christ. Merry Christmas, I’M HERE FOREVER.”

 

BIEBER

CHRISTMAS EVE

DAHIL

GIRL BOY BAKLA TOMBOY

JUSTIN BIEBER

KAYA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with