^

Pang Movies

Sampal ni Maricel pinag-aagawan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Gaano nga ba kalakas sumampal ang Diamond Star? Pero bakit type ng mga kasama niya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival na magpasampal sa kanya? Nasampulan daw ng mabigat niyang kamay sina Vice Ganda at Joey Marquez at kahit si Ruffa Gutierrez, type ring magpasampal sa kanya. Iyon daw kasi ang gusto ni Direk Wenn Deramas dahil napi-feel ng sinasampal ni Maria ang eksena at mas nakakaarte sila.

Pero ang Diamond Star, may sarili rin siyang moments sa movie kaya naman hangang-hanga sa kanya ang mga kasama niya. Mahirap daw kasi ang role niya as Pia, na anak ang apat — babae, lalaki, tomboy, at bakla. Pero thankful naman si Maria dahil mahuhusay namang lahat ang mga kasama niya sa movie like si Ruffa na bagay ang role bilang isang balikbayan na girlfriend ni Joey. Kaya ang pakiusap na lamang ng buong cast, sana raw ay suportahan ng mga manonood ang kanilang movie na nabigyan ng Parental Guidance (PG) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). May grade rin kaya sa kanila ang Cinema Evaluation Board (CEB)?

Negosyante ng beauty products naranasang ma-reject

Masaya si former Carmen, Bohol Mayor Conchita Toribio delos Reyes na nakapag-share siya ng blessings sa mga entertainment writer na first time lamang niyang na-meet noong coronation night ng first Miss Beauche International at sa isang lunch with them. Si Madam Che ang founder at president ng Beauche International na nagma-manufacture ng beauty products na ang very famous ay ang kanyang Beauche beauty bar.

Kino-consider ni Madam Che na nakakatulong sa kanyang success ang pagiging malapit niya sa Diyos at pagtulong sa mga nangangailangan. Kahit daw hindi na siya ang mayor ng Carmen, patuloy siyang tumutulong sa rehabilitation ng Chocolate Hills na mabuti na lamang at hindi naman totally nasira. Patuloy din ang feeding program niya para sa mga streetchildren. Sa lunch, naikuwento rin ni Madam Che na dumating din sa kanyang ma-reject ang product niya nang bago pa lamang siyang nagsisimula. Pero sa ngayon, all over the Philippines na ang kanyang outlets sa groceries and department stores. 

Willing din kasi siya na i-share ang knowledge niya sa business sa mga may gustong gawing business din nila ito, tulad ng “adopted son” na raw niyang si Anton Broas na ang outlets niya ay lahat ng SM department stores nationwide. Si Anton din ang nagdirek ng first beauty contest ng Beauche (na Italian word meaning beautiful Che).

Renz nagparaya na kina Kris at Aljur

Hanggang Jan. 24 pa mapapanood ang Prinsesa ng Buhay Ko nina Kris Bernal at Aljur Abrenica pero tonight magiging masaya na ang relasyon nina Cess (Kris) at Nick (Aljur) dahil after ng kanilang galit-bati situations, nagkasundo na rin sila na hindi na mag-aaway. 

Nagparaya na rin si Luis (Renz Fernandez). Hindi na nga kaya magkaroon ng problema sina Cess at Nick?

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANTON BROAS

BEAUCHE

DIAMOND STAR

MADAM CHE

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with