^

Pang Movies

JM nag-iba na ang hitsura, mata parang may dugo

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kakaibang JM de Guzman ang lumabas sa Ang Turkey Man ay Pabo Rin. Nagpakita ng versati­lity ang aktor sa kanyang comedy skills bilang kapatid sa pelikula ng bidang si Tuesday Vargas. Noong una ay parang magdadalawang-isip pa kung siya nga ‘yun kasi medyo naging mama na ang katawan niya at parang matangkad na siyang tingnan sa big screen. Pero siyempre ‘pag nabasa ang opening and closing credits ay makikita nga ang kanyang pangalan. Malaki ang role niya eh.

Magaling si JM at hindi nagmukhang trying hard sa pagpapatawa. Simple lang siya pero nakakatawa na sa porma niyang frustrated rapper. Aktor ang nakita sa character niya at hindi TV star. Tulad sa indie film na Ang Babae sa Septic Tank, karakter niya ang lumabas. Kung tutuusin, ito ang kauna-unahang comedy film ni JM dahil hindi naman siya gaanong nagpatawa sa Septic Tank kahit comedy film din ’yun.  

Maganda ang kabuuan ng Ang Pabo Man ay Turkey din na galing sa unang CineFilipino Film Festival. Lahat kasi ng nasa cast ay nakapagbigay ng aliw. Sana lahat ng baguhan o ‘di kilalang direktor tulad ni Randolph Longjas ay makayang makapagbigay ng pelikula na parang komersiyal na rin. Si Randolph pa pala ang pinakabatang direktor na sumali sa unang filmfest ng TV5 sa edad na bente singko anyos lang. Ang galing ’di ba?

Dapat ding purihin ang script ni Ronald Allan Habon na matagal nang katrabaho ni Randolph. Moderno at makatotohanan ang mara­ming kultura na ipinakita sa kanilang indie film na istorya ng Fil-Am marriage sa Pilipinas.

Si Tuesday naman ay natural na sa pagiging kikay niya. Parang hinulma sa kanya talaga ang kuwento. Wala siyang naging hirap sa karakter ng isang Waray na nakapag-dyowa ng Amerikano at nagbabakasakali nang makapasa sa US embassy.

Ganun din si Cai Cortez bilang isa sa dalawang makulit at maingay na kaibigan ni Tuesday. Ang isa pa ay si Julia Clarete. Tulad ni JM, sayang din si Julia dahil hindi nabibiyayaan ng maraming pelikula. Nakakaaliw siya at ang ganda sa screen kahit palengkera!

Balik kay JM, sa isang eksena ay natutukan ang isa niyang mata na namumula. Parang may dugo ‘yung mga ugat. Bakit kaya? Puyatan kaya sila nung ginagawa ang pelikula? Mabuti na lang at sandali lang ‘yung eksena na kausap niya ang kanyang Puting bayaw na ginampanan ni Travis Kraft. At nabawi naman ito ng poging hitsura ni JM na kayumangging-kayumanggi.

Biboy Ramirez kapos ang acting sa drama na indie film

Hindi maganda ang feedback ng isang kaibigan sa isang indie film na kasali sa New Wave section ng 39th Metro Manila Film Festival. Medyo nanghinayang siya sa ibinayad na P100 sa sinehan.

Malungkot para sa kanya ang kuwento ng Ang Maestra na parang na-bore siya. Sina Perla Bautista at Biboy Ramirez ang bida na gumanap na mag-lola sa pelikula. Sayang at maganda pa naman ang pamagat kahit napaka-common na nga lang. Ang nawalan dito ay si Biboy dahil ito na sana ang break niya sa pagbabalik sa eksena.

“Kulang kasi sa emosyon. Hindi ka madadala sa acting niya. Kulang pa siya para magbida sa isang movie,” sabi ng moviegoer na fan ng indie films.

Ang na-enjoy daw niya ay si Perla kasi magaling talaga at bagay sa kanya ang drama role.

* * *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ANG BABAE

ANG MAESTRA

ANG PABO MAN

ANG TURKEY MAN

BIBOY RAMIREZ

CAI CORTEZ

FILM

NIYA

SEPTIC TANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with