^

Pang Movies

Shamcey ayaw agad magkaanak

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Dec. 29 na ikakasal ang 2012 3rd runner-up Miss Universe na si Shamcey Supsup sa non-showbiz boyfriend niyang si Lloyd Lee. May one year din silang magkasintahan. Nag-fitting na sila ng kanilang isusuot sa kasal, buhat sa design ni Francis Libiran.

“Ang naging problema namin talaga ay kung sinu-sino ang kukumbidahin sa kasal. Limitado kasi sa one thousand sana ang invited guests pero sa rami ng mga kakilala at kaibigan parang dapat dagdagan pa,” sabi ni Shamcey.

Medyo matatagalan daw ang honeymoon, sabi pa ni Sham. Baka sa bandang Holy Week. Bound for Europe ang dalawa at doon nila gustong mag-pulot-gata. Eh ’yung magkaroon ng baby?

 â€œAfter two years pa siguro,” maikling tugon ni Shamcey na ayaw pa yatang magbago ang katawan kapag nabuntis.

Ejay nahihiya kay Sunshine

Sa presscon ng Saka Saka kamakailan, sinugod ng mga reporter ang aktor na bida sa pelikula na si Ejay Falcon at tinanong kung gaano katotoo na siya na ang bagong boyfriend ni Sunshine Cruz na kahihiwalay lang kay Cesar Montano.

“Saan ninyo kinuha ang balitang ’yan? Hindi totoo ’yan. Nakakahiya naman kay Ms. Sunshine. Nanay-anak ang relasyon namin at malaki ang respeto ko sa kanya. Kung minsan nga, lalo na noong time ng Dugong Buhay, ‘nanay’ ang tawag ko sa kanya.  Parang anak nga ang turing niya sa akin,” pahayag ni Ejay.

Kaya ba siya ang kinuhang bida ni Direk Toto Natividad sa Saka Saka dahil ito rin ang direktor niya sa Dugong Buhay teleserye?

“Ganun na nga siguro. Pinagbuti ko ang role ko sa teleserye kaya iyon ang bale qualification ko sa pelikulang ito para mapasama,” walang gatol na sabi ni Ejay.

 Ipinapalabas na ang Saka Saka sa SM Megamall sa Mandaluyong City at tatagal ito hanggang Dec. 24 bilang parte ng December filmfest sa New Wave category.

vuukle comment

CESAR MONTANO

DIREK TOTO NATIVIDAD

DUGONG BUHAY

EJAY

EJAY FALCON

FRANCIS LIBIRAN

HOLY WEEK

LLOYD LEE

SAKA SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with