^

Pang Movies

Baguhang singer-actor, iniyakan ang sermon ni Direk Joyce

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Twenty one years old na pala si Winwyn Marquez, bunso na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Tulad ng kanyang Mommy Ness (pet name ni Alma, whose real name is Vanessa) noong kanyang kabataan, Winwyn is maganda at sexy.

Taller than her mom, Winwyn, like her auntie Melanie Marquez (former Miss International), is a beauty queen material.

It looks like, though, type muna niyang maging artista. She recently signed a build-up contract with GMA 7.

Currently, nasa cast si Winwyn ng 10,000 Hours, which topbills Robin Padilla. Hango sa isang episode na nangyari kay former Sen. Panfilo Lacson, Winwyn plays one of Robin’s daughters.

Would you believe na sa dinami-dami ng naging leading ladies ni Robin sa marami niyang pelikulang ginawa, ’di sila nagkatambal man lang ni Alma? ’Di rin daw niya naging co-star si Joey Marquez, mapa-TV o pelikula.

And guess what else?

Until a little later lang did he learn kung sino ang mga magulang ni Winwyn. By then, nakapag-shooting na sila ng ilang eksena na magkasama.

Impressed daw siya kay Winwyn. ’Di lang daw ito mahusay umarte, maganda, at sexy talaga.

In a rare solo talk we had with Robin, we asked him kung pumirma na nga siya ng kontrata — at    aling istasyon.

Ang sagot niya, ’di pa raw kasi sa negotiations niya with the networks that have offered him a contract, type niyang naka-specify kung ilang working hours siya dapat magtrabaho.

‘‘I have to. I have to protect my health na. Feel ko nang I’m not getting any younger. ’Di ko kayang sobrang mapuyat,” patuloy niya.

‘‘Otherwise, kawawa si misis (referring to wife, Mariel Rodriguez), kapag magkasakit ako. Pangako ko naman I will be a professional.’’

During the shoot for 10,000 Hours, according to director Bb. Joyce Bernal, never daw na-late si Robin, she said.

Kaya nga raw, galit na galit siya sa any member of the cast kung mali-late itong dumating sa kanyang call time sa set. Talagang pinagagalitan daw niya ito. In front ng mga katrabaho.

Na pinatotohanan na guwapong singer na si Markki Stroem, who is also featured in the film.

One time raw, dahil galing sa isa pang commitment, he arrived late sa set.

Nakapameywang, ’di man lang daw siya tinanong ni Direk Joyce kung bakit siya na-late. Kaagad, she subjected him to a thorough tongue-lashing. ’Di raw talaga niya napigilang umiyak. Actually, halos hagulgol. Which Markki said, he realized later, actually worked in his favor.

Iiyak daw siya ng todo sa eksenang kukunan sa kanya sa araw na iyon.

Henceforth daw, he made sure na ’di na siya ever na-late in reporting to his shooting.

Filmed partly in Amsterdam, Netherlands and some other parts of Europe, Robin, ayon kay Direk Joyce, ay may mga eksenang kinunan sa ipinagmamalaking Red Light District ng Amsterdam, although, ’di raw nila binigyan ng much prominence ang mga babaeng naka-display sa eskaparate na willing to have sex with anyone for a certain sum.

Prostitution is considered a profession sa nabanggit na lugar.

A film, featuring the Red Light District, was made into a movie dubbed Miss X, which had Vilma Santos, now Batangas governor, playing a woman for hire for lewd use.

 

ALMA MORENO

DAW

DIREK JOYCE

JOEY MARQUEZ

JOYCE BERNAL

MARIEL RODRIGUEZ

MARKKI STROEM

RED LIGHT DISTRICT

SIYA

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with