^

Pang Movies

Bea mag-aampon!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Parang totoong anak na pala ang turing nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa Annaliza star na si Andrea Brillantes. Naikuwento kasi ni Bea sa mga reporter na aampunin niya si Andrea for one week at mag-i-stay sa bahay niya sa White Plains sa Quezon City this holiday season.

Kasamahan ni Zanjoe si Andrea sa Annaliza at dahil sa seryeng ito sila nagkalapit ng loob. Say nga ng child star, parang pangalawang tatay na niya si Z. Kaya naman napamahal na rin siya kay Bea.

Anyway, since pareho pala silang mahilig sa bata, natanong ng press si Bea kung bakit hindi pa sila magpakasal at gumawa ng sariling baby? Sagot ng aktres, hindi pa siya ready. Twenty six years old pa lang siya at marami pa siyang gustong gawin.

Kahit si Zanjoe ay hindi pa rin daw ready. Pareho silang breadwinner ng kanilang pamilya kaya hindi pa talaga puwede.

But, would you believe, si Bea pala ay nakabili na ng 13 hectares na farm lot sa Zambales at pinamamahalaan ng kanyang ina ngayon? Nakapagpatayo na rin daw siya ng simpleng bahay doon. Katabi niya ang mga farm lot nina Isabel Rivas, Senadora Loi Ejercito, at Cesar Montano.

Samantala, natanong din si Bea kung siya ba ang gaganap na Dyesebel sa 2014. Wala pa naman daw offer. Ang alam daw niya ay may next teleserye na siya under Dreamscape Productions ni Deo T. Endrinal. Drama raw ito pero hindi pa puwedeng i-reveal ang dalawa pa niyang makakasama.

Carlene pinagdudahan si Dennis, pinaaamin kung bakla na

Kasama rin si Carlene Aguilar sa seryeng For Love or Money ng TV5 na napapanood every Thursday night at pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Ritz Azul, and Alice Dixson.

Mistress ang kanyang role at siya raw ’yung parang nagbubuyo sa karakter ni Alice na maging mistress din. But, in real life, as we all know, Carlene is happily married sa asawa niyang si Yo Ocampo at may isa silang anak. Ang panganay niyang si Calix Andres ay anak naman niya sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo na ngayon ay six years old na.

Ayon kay Carlene, napakaganda raw ngayon ng relasyon nila ni Dennis bilang mga magulang ni Calix. Mas okay pa nga ang relasyon nila ngayon kaysa noong sila pa as in walang-wala raw silang problema lalo na pagdating sa arrangement sa kanilang anak.

 Sobrang strong daw ang relasyon nina Dennis at Calix at talagang laging nagba-bonding.

 â€œâ€™Yang mga laru-larong PSP na ’yan, mga gaming, mahilig sila. Medyo nai-spoil lang niya kasi siyempre konti lang ang time nila together ’tapos ako taga-disiplina. Medyo spoiler kasi siya eh,” sabi ng beauty queen turned actress.

Aware si Carlene kung gaano kalakas ang impact ng huling project ni Dennis sa GMA 7 na My Husband’s Lover na gumanap itong gay. At nakakatuwa ang kuwento ng aktres na tinanong daw niya ang ex-boyfriend kung bakla na ito dahil nga sa sobrang makatotohanang pagganap sa serye.

“Tinanong ko siya, ‘Bakla ka na ba talaga? Sabihin mo lang sa akin.’ Ginanun ko. Hindi kasi ako nanonood kasi medyo late na ’yun eh maaga akong natutulog. Pero marami akong naririnig, lalo na sa mom ko na magaling nga raw. So, sabi ko, baka magaling nga lang siya talagang umarte,” sabi ni Carlene.

Natawa lahat sa kuwento niya sa aspetong pinagdudahan talaga niya ang gender ni Dennis. At kung sakali naman daw na totoo, walang kaproble-problema sa kanya dahil mas magiging friends pa sila kung ganun. Wish niya for Dennis na makakita rin ito ng babaeng makakasama sa habangbuhay at maging happy din sa married life.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

ANNALIZA

BEA

BEA ALONZO

CARLENE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with