^

Pang Movies

Aktres na nalulong sa droga tuloy ang panghihingi ng tulong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpupunta na naman sa taping ng mga TV show ang isang dating aktres dahil nanghihingi siya ng tulong sa mga kapwa artista. Nagbigay naman ng tulong ang mga artista na nilapitan ng aktres, kahit medyo pinagdududahan ang motibo niya.

Isang sexy star ang hiningan noon ng tulong ng ex-actress. Hindi nagdalawang-isip ang sexy star na likas na mabait at matulungin.

Makalipas ang ilang araw, nagkasalubong ang dalawa sa compound ng isang TV station. Dinaan-daanan lang ng former actress ang sexy star na nagbigay sa kanya ng financial help. Ni hindi siya nakaalaala na magpasalamat.

Hindi minasama ng sexy star ang inasal ng dating aktres. Inisip na lang niya na wala sa sarili ang aktres kaya hindi siya napansin.

Mataray ang image ng dating aktres noong kasikatan niya. Matalas ang kanyang dila kaya marami ang nasasaktan sa mga sinasabi niya. Naghirap ang aktres dahil nalulong siya sa masamang bisyo.

Cruise ng Gutierrez Family naudlot dahil kay Richard

Nakakaloka ang bilis ng panahon. Imagine, Pasko na sa susunod na Linggo at kasado na ang Parade of Stars ng 2013 Metro Manila Film Festival na magaganap sa darating na Linggo?

Sasali si Ruffa Gutierrez sa Parade of Stars dahil sa mismong araw ng Pasko ang biyahe nila sa Amerika ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Nagdadalawang-isip naman si Annabelle Rama na pumunta sa US dahil sayang ang biyahe kung sandali lamang ang pamamalagi niya sa kanilang bahay sa Beverly Hills sa California.

Bagong renovate ang bahay ng mga Gutierrez sa Beverly Hills. Personal na inasikaso ni Bisaya ang renovation ng kanilang bahay sa sosyal na lugar sa Los Angeles.

  Na-postpone naman ang cruise ng Gutierrez Family. Imbes na January, sa February na lang itutuloy ang cruise na bahagi ng kontrata nila sa produ ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Ipinagpaliban ang cruise dahil sa schedule ni Richard Gutierrez. Tatapusin muna ni Richard ang shooting ng kanyang bagong pelikula sa GMA Films, ang Overtime, bago siya mag-taping para sa reality show ng kanilang pamilya.

Co-producer ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang pamilya Gutierrez at kahit investor sila, hindi puwedeng tumanggi si Annabelle sa mga ipinagagawa ng direktor ng kanilang reality show na magkakaroon ng international release. Hindi puwedeng lumabag si Bisaya sa kontrata na pinirmahan niya.

Office table ni Willie halos P3M ang halaga

Naloka ako nang makita ko ang table ni Willie Revillame sa kanyang opisina sa Wil Tower Mall. Wala akong makitang dahilan para maging P2.8 million ang halaga ng mesa niya.

Mas naloka ako nang malaman ko na more than P4 million ang original price ng table. Nabawasan ang presyo ng mesa dahil naglambing si Willie na bigyan siya ng discount bilang maraming furniture ang binili niya mula sa supplier.

Nakakalokang isipin na kasing mahal ng isang condo unit at bahay sa labas ng Metro Manila ang halaga ng mesa na ordinaryo lang sa paningin ko.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BEVERLY HILLS

BISAYA

DAHIL

GUTIERREZ

GUTIERREZ FAMILY

IT TAKES GUTZ

LINGGO

NIYA

PARADE OF STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with