^

Pang Movies

Janno nagpursigi na makapagbigay ng inspirasyon sa Kabisayaan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ni-launch kahapon sa Sunday All Stars ng GMA 7 ang music video na Bangon Kaibigan na sinulat ni Janno Gibbs at sinalihan ng mahigit isang daang artists ng GMA. Ayon kay Janno, nagsimula bilang personal na proyekto ang kanta. Subalit habang pinanonood niya ang balita tungkol sa biktima ng bagyong Yolanda, nagpursigi siyang mabuti upang maisakatuparan ito upang bigyan ng inspirasyon ang bawat Pinoy matapos ang trahedya.

Hindi naman nabigo si Janno nang i-present siya sa GMA executives ang kanyang project. Hawig sa charity single na We Are the World ni Michael Jack­son nung mid-‘80s at What’s Going On ni Marvin Gaye ang music video.

Mada-download sa iTunes at iba pang online venues ang Bangon Kaibigan at ang proceeds ay mapupunta sa relief operations para sa Yolanda victims via GMA Kapuso Foundation.

“’Wag dapat mawalan ng pag-asa. Kahit gaano tayo kalubog, kahit gaano tayo natapakan, kaya natin ‘yung lagpasan. Kayang-kaya nang bumangon ng Pilipino at ipagpatuloy ang buhay!” pahayag ni Janno. 

Kasama rin sa music video sina Regine Velasquez at Cesar Montano.

Miss Beauche Int’l nag-ala Charlene Gonzales

Mabilis at naiiba ang presentasyon ng ginawang first Miss Beauche International 2013 sa Solaire Resort & Casino nung Sabado ng gabi. Mabilis ang pacing, binago ang estilo ng question and answer portion sa 10 finalists.

Miss Beauche ang representative ng Dagupan City na pumatok sa audience matapos sagutin ang final question sa natirang limang finalists. Aliw ang sagot niya na ala-Charlene Gonzales nung sumali siya sa Miss Universe, huh! Naging mahigpit na kalaban niya ang representative ng Manila.

Twenty four ladies mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang lumahok sa contest. Nagsilbing judges sina Gloria Diaz, Venus Raj, Diana Zubiri, Paolo Ballesteros, at RJay Nuevas ng GMA Creative Department. Naging director naman ang pageant si Anton Broas, Jr. at isa sa host ang model na si Brent Javier.

Present sa affair ang president at founder ng Beauche International na si Madame Conchita Torribio delos Reyes. May sarili silang product line ng beauty bar soap, clarifying solution, exfoliating cream, rejuvenating cream, age eraser cream, and Beauch gluta soap. Sa kasalukuyan, mahigit isang daang outlets na meron ang Beauche International.

 

 

vuukle comment

ANTON BROAS

BANGON KAIBIGAN

BEAUCHE INTERNATIONAL

BRENT JAVIER

CESAR MONTANO

CHARLENE GONZALES

CREATIVE DEPARTMENT

DAGUPAN CITY

JANNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with