^

Pang Movies

MMFF ayaw patulan ang naghahabol!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nanawagan si Atty. Francis Tolentino na chair­man ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag na daw munang pag-usapan ang problema ng kanilang ahensiya at ang pagdaraos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at sa halip ay magtulungan na lang muna para mapaganda ang pista sa taong ito. Mayroon pa siyang ginamit na salita sa mga kritiko ng MMDA. Tinawag niya ang mga iyon na “nag-iingay.”

Iyon naman ang standard na sagot nga­yon ng mga tauhan ng gobyerno, hin­di ba kaugnay na rin ng relief and rescue sa mga biktima ng bagyong Yo­landa, ang sinasabi naman nila sa mga kritiko ng mabagal na kilos at sina­sabing katiwalian sa relief goods ay “huwag na kayong mambatikos, tu­mulong na lang kayo.”

Iyon namang kuwestiyon sa nawawalang pera ng festival ay nasabi ni Film Academy of the Phi­lip­pines (FAP) Director General Leo Martinez matapos na lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) na simula noong 2002 hanggang noong 2009, mahigit na 159 milyong piso ang hindi naibibigay ng MMDA sa beneficiaries ng festival, ka­bilang na ang MOWELFUND at FAP. Sinasabi rin nga ng mga lider ng industriya na taun-taon ay paliit nang palit ang natatanggap ng beneficiaries.

Maliwanag na ang na-audit ng COA ay panahon ni MMDA Chairman Bayani Fernando at Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na tiyak babagsakan na naman ng sisi ngayon dahil diyan. Sa naunang imbestigasyon ng Senado, inamin ng noon ay chairman pang si Fernando na nakakatanggap talaga sila ng ‘cash gifts’ na kinukuha mula sa kita ng film festival. Iyon ang dahilan kung bakit naimungkahi naman noon ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat isauli na ng MMDA sa industriya ng pelikula ang pamamahala ng MMFF.

Noong araw, ang festival ay pinamamahalaan ng mga lider ng industriya. Nakialam lang diyan ang MMDA nang ilagay bilang chairman ni dating Presidente Cory Aquino si dating Senador Joey Lina, at magmula nga noon ay hindi na nila binitiwan ang festival at ikinakatuwirang ang mga mayor ang guma­gawa ng donasyon ng dapat sana ay amusement tax kaya sila ang may karapatang magpatakbo.

Bukod sa beneficiaries na MOWELFUND at FAP, at cash gifts na nakukuha raw ng mga tauhan ng MMDA, lumabas din na kumukuha pa ng pondo roon ang Optical Media Board, isang ahensiya ng gob­yerno sa ilalim ng presidente at ang mismong “social fund” ng presidente ay pumaparte rin.

Shaina consistent ang denial kay Piolo

Talagang itinatanggi ni Shaina Magdayao na boyfriend niya si Pio­lo Pascual. Ngayon, maging ang nakatatanda niyang kapatid, ang aktres na si Vina Morales ay itinatanggi ring ang kanyang kapatid ay may kaugnayan kay Piolo maliban sa pagiging magkaibigan.

Sino ba kasi ang nagkakalat na pilit na may relasyon sina Shaina at Piolo? Bakit din naman gano’n ang pagkakatanggi ni Shaina na girlfriend siya ni Piolo?

Mga naglulustay ng sariling pera sa casino hindi na dapat pakialaman

Sabi ng isang kakilala namin, huwag na raw pakialaman pa ang mga artistang nagsusugal sa casino tutal pera naman nila iyon.

Kung malustay ang kanilang kabuhayan, problema na nila iyon. Ang masama, iyong nagpapatalo ng malaki sa casino ’tapos nangu­ngutang ng pera sa mga kaibigan.

Iyon ang talagang nakakahiya at hindi dapat na kunsintihin.

 

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DIRECTOR GENERAL LEO MARTINEZ

FILM ACADEMY OF THE PHI

FRANCIS TOLENTINO

IYON

PIOLO

SHAINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with