Character actor hindi na gaanong makanguya, ilong na niretoke apektado
MANILA, Philippines - Napansin agad ng isang kaibigan sa panulat ang isang sumikat na character actor na may pagbabago sa ilong nang dumalo ito sa isang showbiz event. Masyadong conscious kasi ang chaÂracÂter actor sa pagnguya ng pagkain.
“Baka maapektuhan ’yung inayos niyang ilong kaya dahan-dahan ang nguya,†say ng aming writer-friend.
Eh nasubaybayan ng friend namin ang career ng character actor mula nang umingay ang name niya dahil sa mahusay na pagganap. Nagka-award pa nga ang aktor na mula sa stage at matagal din ang inilagi sa showbiz bilang suporta bago pumutok ang husay sa pag-arte.
Kaya knows na knows ng aming friend na may ginawang operasyon sa ilong ng character actor kaya nagbago ang hitsura ng mukha!
Alden nagpatanda ng hitsura
Nagpapayat at nagpatubo ng goatee si Alden RiÂchards nang dumalo sa presscon ng Metropolitan Manila Development Authority para sa 2013 Metro Manila Film Festival. Nasa cast ng 10,000 Hours ni Robin Padilla si Alden pero lumabas siya bilang batang Robin nung panahong pulis pa ang trabaho ng bida sa istorya.
May kinalaman sa pagiging partner ni Marian RiveÂra sa series na Carmela ang pagmama-mature ng hitsura ni Alden para naman mag-compliment siya sa edad ni Yan Yan na mas may edad sa aktor.
After Dennis Trillo, Richard Gutierrez, at Dingdong Dantes, tanging si Alden lamang sa mga younger actor ng GMA ang jackpot kay Marian bilang leading man, huh! No wonder, nakakadama ng inggit ang ibang aktor ng network na mas nauna pa sa kanya.
Solenn kumuha ng tatlong accountant para hindi na makasuhan uli ng BIR
Isinisisi ni Solenn Heussaff sa press ang tsismis na nagdi-date sila ni Cesar Montano na lumalabas na boyfriend niya sa GMA series na Akin Pa Rin ang Bukas. Ka-live-in nga naman niya ang boyfriend na ArgentiÂnian kaya walang dahilan upang i-link sila ng aktor.
“Kayo ang nag-imbento niyan! Hahaha!†sambit ni Solenn sa taping ng GMA series niya.
“Wala akong time mag-date kahit may boyfriend ko. Hahaha!†rason niya na six days a week ang trabaho.
Hindi naman kasi seloso ang boyfriend niya at hindi rin siya selosa.
“Kapag ako ang naging selosa, magiging seloso rin siya,†saad niya.
Kahit nga raw may nakikitang babaeng maganda ang boyfriend, hindi nakadama ng selos si Solenn. ’Yun nga lang, malungkot ang dating ng Pasko niya ngayon dahil sa nangyaring kalamidad sa bansa at sa BIR (Bureau of Internal Revenue) problems niya.
“Naayos ko naman everything legally since July (ang BIR problems ko). Hindi ko alam kung bakit ang name ko nandoon sa tapat ni Manny Pacquiao. Iba naman ’yung sa akin. Ako criminal, siya civil lang,†paliwanag ni Solenn.
Matapos ang kaso sa BIR, tatlong accountant na ang kinuha ni Solenn.
“Nagawa ko ng lahat legally at hindi under the table. Hindi ako gano’n,†diin ng moÂdel-actress.
- Latest