^

Pang Movies

Ejay gustong mag-iba ng image

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Muling nagbabalik si Direk Toto Natividad bilang action director ng pelikulang Saka Saka na maiden offering ng Cinebro na entry sa New Wave Full Feature Film category ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa hirap ng buhay ngayon, kahit pa sa showbiz ay wala na yatang gustong magprodyus ng action movies dahil sa laki ng budget. Pero naglakas-loob ang executive producer na si Richard Reinante na sumugal ng maaksiyong pelikula sa direksiyon ni Toto.

Magsasanib-puwersa sina Ejay Falcon at Joseph Marco sa action-drama. Ang Saka Saka ay kuwento ng dalawang magkapatid na nasira ang buhay at pamilya dahil sa bayolenteng mundo ng mga political assassins o Saka Saka.

Sinulat din ang kuwento ng Saka Saka ni Toto at bukod kina Ejay at Joseph ay kabituin pa rin sina Baron Geisler, Toby Alejar, at Kathleen Hermosa. Ipapalabas ito mula Disyembre 18 hanggang 24 sa SM Megamall sa Mandaluyong City at Glorietta, Makati City.

Handang-handa na nga si Ejay sa pagpasok sa mundo ng action film.

“Gusto ko namang ibahin ang aking image. Gusto kong lumabas sa action movie – ’yung maangas at puwede akong magpakalbo para lang maging matapang ang anyo. Mabait kasi ako at umiiyak kapag drama.”

Malaking tulong sa kanya ang top-rating afternoon series na Dugong Buhay sa ABS-CBN Gold para mapasama sa Saka Saka at maging action star.

ANG SAKA SAKA

BARON GEISLER

DIREK TOTO NATIVIDAD

DUGONG BUHAY

EJAY

EJAY FALCON

JOSEPH MARCO

KATHLEEN HERMOSA

SAKA

SAKA SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with