^

Pang Movies

Aktor planado na ang ‘hatian’ sa Pasko!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ngayon pa lang may definite plan na para sa noche buena ang isang aktor na dalawa ang pamilya.

Sa Martes ng gabi, bisperas ng Pasko, maaga       silang magsisimba ng kanyang una at tunay na misis, kasama ang dalawang anak. Pagkasimba, nakahanda na ang kanilang salu-salo sa bahay kasama ang ilang kamag-anak.

Agad aalis doon ang aktor dahil naipadala na sa kanya ang isang call slip na may “taping” bago mag-alas dose, hanggang sa buong magdamag. Tiyak manlalata siya sa pagtatrabaho the whole night!

Ang nasabing taping, isa lang ang kaeksena niya o leading lady, ang benefactor na very rich baklesh. Tiyak wala namang camera at silang dalawa lang. Pinagbigyan lang ng leading man ang mahigpit na hiling ng current leading lady. Kundi baka maputol ang sustento ng kanyang napakataas na “talent fee” at iba pang fringe benefits!

Christmas wish ni Gabby, makita si Chloie

Ang hiling ni Gabby Concepcion noong nakaraang 50th birthday niya last month at ngayong Kapaskuhan, ang ma-reunite siya sa kanyang daughter na si Chloie, anak nila ng beautiful fashion editor na si Jenny Syquia.

Matagal na panahon na hindi niya nakita ang anak, hanggang sa magdalaga na. Hindi naman maikakaila na Chloie is his daughter. Sa mga picture, kahawig siya ni KC Concepcion.

Ang gusto lang ni Gabo, maging handang-handa na ang anak na puwede na silang magkita.

Cast ng When the Love… feel na personal na makita ng mga Pinoy sa US

Sa mga mainstream venue ang pagpapalabas ng When the Love is Gone ng Viva Films sa America, this December. Scheduled ang screenings sa Los Angeles, San Francisco, San Diego, Las Vegas, Virginia, Arizona, Washington, at Hawaii.

Ang hiling naman ng mga Pinoy doon, makita ng personal ang mga artista sa When the Love is Gone na sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, at Jake Cuenca.

Sex video ni Chito walang epekto sa career, nag-no. 1 ang album

Mukhang lipas na ang eskandalo ng sex video ng Parokya ni Edgar leader and lead vocalist na si Chito Miranda and his girlfriend. Nag-number one kasi sa music charts ang Bente album ng banda.

Nasa Top 10 pa rin naman ang Hulog Ka ng Langit album ni Regine Velasquez. Siyempre nasa hit chart na ang walang maliw na Christmas in our Hearts album ni Jose Mari Chan, na mabiling-mabili pa rin tuwing holiday season.

Bitoy at Mitoy may relasyon?

Curious ang ibang fans kung may relasyon sina Bitoy (Mi­chael V.) at Mitoy (Yonting na Voice of the Philippines champion). Wala silang blood relation, magkatono lang ang kanilang pangalan.

Pero maaari ring maging comedian si Mitoy kung magsisikap siyang gawin ang pagpapatawa. Sad to say, hindi na maaaring sumikat as singer si Bitoy, na dati’y may mga hit rap album.

Bubble Gang masususpindi dahil sa ‘sariling sikap’?

Meron kayang forthcoming suspension from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Bubble Gang ng GMA 7?

Nakitaan kasi ng “kalaswaan” ng board ang D’ Adventures of Susie Lualhati portion ng show habang nagtuturong gumawa ng puto bumbong! Say nila, malinaw ang simulated na sari­ling-sikap (o pagbabayo) ng isang lalaki sa “walang malisyang” cooking demo ng kakaning pang-Pasko, ang seksing si Susie.

Abangan natin ang resulta ng meeting ng dalawang panig. Dalawang episodes pa naman ng Bubble Gang ang nag-taping this week!

vuukle comment

ADVENTURES OF SUSIE LUALHATI

BITOY

BUBBLE GANG

CHLOIE

GABBY CONCEPCION

MITOY

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with