^

Pang Movies

Enzo umeekstrang swimming instructor ni Louise

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

All smiles si Enzo Pineda nang makausap namin sa pocket interview for their Sunday afternoon suspense-drama series sa GMA 7, ang Dormitoryo, na mapapanood after ng Sunday All Stars (SAS) mamayang hapon. Happy kasi ang love life ni Enzo dahil nagkabalikan na sila ng girlfriend na si Louise delos Reyes. At kahit namatay na ang character niyang si Burn sa Dormitoryo ay patuloy pa rin daw siyang mapapanood hanggang sa final episode nito sa Dec. 22 dahil aapir pa rin siya sa flashback ng story na sa kasi-save raw niya kay Hazel (Lauren Young), siya ang napatay.

Except for SAS, magsyu-shooting pa lamang si Enzo ng untitled indie film under Neil “Buboy” Tan at isang Canadian ang kanilang producer. Makakasama niya for the first time sa semi-action drama movie sina Jake Cuenca at Valerie Concepcion. Hopefully, magkakaroon daw ito ng premiere sa Ca­nada kaya excited siya. Hindi pa niya alam kung kailan ipalalabas ang natapos nilang indie film ni Lauren na Gatas.

Totoo bang payag siyang magkaroon ng breast exposure si Louise sa bagong telefantasya nito sa GMA 7, ang Kambal Sirena? Bakit daw naman hindi eh work naman iyon? Siya nga raw ang swimming instructor ng girlfriend dahil hindi pala ito marunong lumangoy. Tinuruan niya ito ng basic steps sa pagla­ngoy at kung paano lumutang sa tubig nang matagal. And advice niya kay Louise, maging fit ito for the role dahil hindi madali ang dual character na gagampanan nito, isang sirena at isang human being.

Joyce itatambal kay Kristoffer kung kailan nakipag-break na

Kung nagkabalikan sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes, matagal namang iniyakan ng mahusay na teen actress na si Joyce Ching ang almost three years na relationship nila ni Kristoffer Martin. Inamin na raw niya ang breakup nila bago pa nagsimula ang musical-drama series ni Kristoffer at ni Julie Anne San Jose, ang Kahit Nasaan Ka Man, dahil ayaw niyang magkaroon ng bad publicity ang project kung akala ng fans ay sila pa ng young actor ’tapos may ka-love team itong bago.

Pero maganda naman ang breakup nila dahil nanatili silang friends, nagku­ku­litan pa rin sila sa Twitter at no problem kung magkasama sila muli sa mga show, tulad ng katatapos lamang nilang mag-regional show sa Urdaneta, Panga­si­­nan. Natatawa ngang kuwento ni Joyce sa pocket interview for Dormitoryo na ang susunod nilang project ay ang Isla na kasama nila si Bea Binene. Matagal daw nilang wish noon ni Kristoffer na magkasama sa isang project at ngayong break na sila ay saka sila pinagtambal. 

No problem naman kay Joyce kung kontrabida siya muli sa new show tulad din ng pagiging kontrabida niya sa Dormitoryo. As Airiz, siya ang nagpapahirap sa character ni Lauren as Hazel. Since malapit na silang matapos, alam na nila kung sino ang talagang killer sa story pero bawal pa nilang sabihin. Ayaw ding sabihin ni Joyce kung mamamatay din ba siya sa story para mas exciting daw ang pagpanood sa kanilang soap directed by Jun Lana.

 

vuukle comment

AS AIRIZ

BEA BINENE

DORMITORYO

ENZO

ENZO PINEDA

JAKE CUENCA

KRISTOFFER

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with