Kim umatras sa Iron Man sa Australia
MANILA, Philippines - Suwerte pa rin na maituturing ni Kim Atienza ang sarili dahil kahit na nga mga big time na mga sakit ang dumale sa kanya, nananatili pa rin siya malusog at malakas ang resistensiya. Three years ago ay na-stroke siya.
“Because of the stroke, naging atleta ako. Binalik ko ’yung sports ko. ’Tapos nagbisikleta ako at lumaÂngoy na rin ako. Nagta-triathlon na rin ako.
“For about three years, triathlon ako. Just recently, I was training for Full Iron Man,†pahayag ni Kim sa launching ng herbal dietary supplement na Atienza Naturale.
Ang Full Iron Man ay four-kilometer swim, 180 kilometer-bike, and 42-kilometer run na dapat ay matapos ni Kim in 13 hours.
“Actually, sa Sabado ’yon sa Western Australia,†sabi ng TV host.
Pero last month ay tinamaan siya ng Guillain-Barre Syndrome na isang disease na tumatama sa isa out of 100, 000 na tao.
“I asked the doctor. Walang kinalaman daw sa sports ko, sa stress, sa trabaho. Tumatama ’yan sa malakas, mahina, bata. Eh sa akin, tumama,†say niya.
Sa sipon daw ito nagsisimula pero ang nerves niya ang naapektuhan dahil hindi niya maigalaw ang kaliwang kamay niya. Then, sumunod ang isa pa niyang kamay at after a week, pati paa hindi niya magalaw at nawalan siya ng balance.
So, nang pumunta siya sa Makati Medical Center sa checkup, agad siyang sinabihan ng doctor niya na ilagay sa intensive care unit. Doon nga nadiskubre ang bago niyang sakit at kung na-delay pa ng isang araw ang checkup niya, baka tuluyan na siya naparalisado!
“Naging spiritual nga ako dahil doon. Napa-‘Lord, Lord’ ako! Ganyan ang buhay eh. Nakakahiyang i-admit pero babalik ka talaga kay Lord. Wala ka namang ibang tatakbuhan eh,†paliwanag pa niya.
After six days, naigalaw na niyang lahat at inilabas siya at balik-swimming and biking muli siya. “Napadasal ako kay Lord. You did not do me an Iron Man but made me Spiritual Iron Man! Thank you, Lord for giving me my third life. Pangatlong buhay ko na ito,†saad pa ni Kim.
Ang pagbabalik ng maaayos na kalusugan ay sa pagkain niya ina-attribute pati na ang pagkain ng malunggay at exercise. Kaya kung hindi ganoon ang ginawa niya, sapul siya ng paralysis nang matagal-tagal.
Mula pagkabata ay alam na ni Kim, pati na ang ama na si Congressman Lito, ang bitamina na dala ng malunggay. Kaya naman ang gulay ang siyang napili nilang bigyan ng halaga sa supplement na Atienza Naturale na nakakatulong sa pananatili ng maayos na kalusugan ng TV host.
Luke Mijares ibabahagi ang pagbabago simula ng naging ama
Nakakaantig na mga kuwento ang mapapanood ngayong gabi sa What’s Up, Doods? ng bigating TV host na si Edu Manzano. Sisimulan ito ng batang si Fitri Cerado na ibabahagi ang sariling karanasan sa pagtulong sa less fortunate kids sa pamamagitan ng talentong ibinigay sa kanya ng Diyos.
Susundan ito ng kasunod na guest na si Arthur Manuntag na magpapamalas ng world class talent sa pagkanta ng What a Wonderful World sa tono’t boses ng siyam na artists.
Touching din ang pagbahagi ni Luke Mijares ng kanyang istorya sa muli nilang pagkikita ng nawalay na ama at kung paano naman nagbago ang kulay ng buhay niya simula nang maging ama na siya. Siyempre pa, iparirinig din ng singer ang galing niya sa pagkanta sa show ni Doods.
Bukod sa tatlong guests, abangan pa ang ibang surprises ni Doods sa kanyang nakaaaliw na talk show na tanging siya lang ang may kakayahang wala sa ibang hosts.
- Latest