LT first runner-up sa Asian TV
Congratulations to the winners sa katatapos na 18th Asian Television Awards (ATA) held at Resorts World Sentosa in Singapore last Dec. 5. Highly commended ang tawag sa Saksi Typhoon Pablo Coverage for Best News Program. Ganundin si Michael V. from Bubble Gang for best comedy performance at highly commended din si Ms. Lorna Tolentino as best actress for her drama series Pahiram ng Sandali. Sayang at hindi nakadalo si Lorna dahil sa taping ng Genesis.
Hindi man nanalo si Primetime Queen Marian Rivera na nominaÂted din sa best actress category, nagpasalamat naman siya for the opportunity na maka-attend ng isang prestigious award for television: “Thank you Asian Television Awards for the nomination. Coming here to represent the show I am proud of is something more than a perfect reÂward for the love and effort we all put in our work. This is such a great experience. Congrats to all the winners.â€
Nakasama ni Marian sa awards night sina Mike Enriquez, Vicky Morales, at si Kris Aquino na naging presenter at nominated din as best celebrity host.
Kagabi lamang bumalik ng Pilipinas si Marian at nag-enjoy siya sa company ng manager niyang si Rams David, her “tatay†Mr. Tony Tuviera, Mother Lily MonÂteverde, Susan Roces, Shirley Kuan, Manay Dolor Guevarra, and others na nagbabakasyon doon.
Heart game pa ring magpa-sexy kahit maging first lady pa
Flattered si Heart Evangelista to be chosen as the 2014 Calendar Girl ng Tanduay. Sarili raw lamang niÂyang desisyon iyon dahil wala naman ang parents niya na dating nagdedesisyon para sa kanya. Liberating sa kanya to go out on her comfort zone para gawin ang mga sexy pictorial niya for the calendar.
May nagbiro tuloy sa kanya na paano kung maÂging presidente si Sen. Chiz Escudero, magpo-pose pa rin ba siya ng ganoon? Napakalaki raw position ang maging first lady pero she will still wear what she wants if ever dumating nga iyon. Nagugustuhan din daw ni Sen. Chiz ang pagtitimpla niya ng rum and juices.
Dahil siya nga ang nagdesisyon sa pagtanggap ng offer, may hand din siya sa concept ng calendar. Kaya she worked out to be fit for the shoot at thankful naman siya sa Tanduay Distillers na nagsi-celebrate ng 160th year nila dahil binigÂyan siya ng best team kaya naging brave and confident siya na mag-pose. Proud daw siya of herself pagkatapos ng pictorial dahil nakita niyang magaganda naman lahat ng poses niya.
Soon, mapapanood si Heart sa first movie niya sa Viva Films, na may tentative title na Trophy Wife with John Estrada, Derek Ramsay, and Cristine Reyes. ReÂgular host din si Heart every Saturday sa StarTalk at every Sunday sa Sunday All Stars. At daily napapanood siya sa afternoon prime drama series na Magkano ang Pag-ibig sa GMA 7.
- Latest