Grupo nila Dingdong pinahalagahan ang Pasko
Ginanap kagabi sa isang restaurant sa Quezon City ang annual Christmas party for the entertainment press ng PPL Entertainment, Inc., ang talent management agency ni Perry Lansigan.
Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, LJ ReÂyes, Max Collins, Wendell Ramos, Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, ArÂthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzales, Carl Guevara etc.
Simple pero masaya ang Christmas party, kahit wala ang traditional raffle draw. ‘Yan ang sinasabi ko na walang dahilan para ikansela ang mga Christmas party dahil puwedeng-puwedeng mag-adjust ang lahat, reporter man o empleyado.
Kung gusto ng management o ng kompanya na mag-donate sa typhoon Yolanda victims, eh di mag-donate sila. Huwag na nilang gawin na excuse ang pananalanta ng bagyo sa Eastern Visayas para magkansela ng Christmas party at makatipid sila dahil mahalaga pa rin na hindi nawawala ang spirit ng Pasko.
Sen. Jinggoy hindi nagsama ng media sa Leyte
Dinalaw ni Senator Jinggoy Estrada at ng kanyang misis na si Precy noong Biyernes ang mga kababayan natin sa Guiuan, Leyte.
Nagdala ng relief goods ang mag-asawa at ibiÂnigay nila ang isang milyong piso na donasyon ni Manila City Mayor Joseph Estrada.
Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin dahil first time na may isang senador na nag-ikot sa kanilang lugar at kinumusta ang kalagayan nila.
Personal na tinulungan ni Papa Jinggoy na makasakay ng eroplano ang mga gustong lumikas mula sa Guiuan na isa sa mga sinalanta nang todo ng typhoon Yolanda.
Gaya nang pagdalaw niya noon sa mga biktima ng malakas na lindol sa Bohol, walang media coverage ang pagbisita ni Papa Jinggoy sa Guiuan.
Hindi siya katulad ng ibang mga government official na pinagagalitan ang mga TV crew kapag hindi kinukunan ng video ang pamimigay nila ng relief goods. Malayung-malayo si Papa Jinggoy sa mga government official na maepal at puro katsipan ang ginagawa.
Ito ang kuwento ng isang eyewitness sa pagdalaw nina Papa Jinggoy at Mama Precy sa mga nasalanta ng bagyo.
“Staff lang ang kasama ng mag-asawa, walang media. Tanging isang photographer lamang nila sa senado ang isinama para sa documentation na kailangan sa kanilang opisina.
“Ganyan po kung tumulong si SeÂnador Jinggoy, sa likod ng kamera. Ayaw niya na samantalahin ang mga kababayan nating mahihirap para sa pagpapaganda ng imahe.
“Hindi na bago kay Senador JingÂgoy ang pagtulong, kahit noon pang artista siya, kung saan saan na ito nakakapunta para mamahagi ng tulong.
“Likas kay Senador Jinggoy ang pagiÂging maÂawain at matulungin sa mga kapus-palad nating kababayan. GusÂto kaÂsi ni Senador Jinggoy na maibahagi rin ang mga biyayang natatanggap niya at kanÂyang pamilya mula sa ating Panginoong Hesu-Kristo.
“Sa mga hindi nakakaalam, deboto ni Mama Mary si Senador Jinggoy at kanyang misis.Sa kaÂÂÂÂÂÂniÂÂlang pag-uwi sa Maynila, halos bumigay ang emosyon nila dahil sa kaawa-awang kalagayan ng mga kababayan natin na sinalanta ng bagyo.
“Lubos ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal sa pagdalaw sa kanila ni Senator Jinggoy at nagpahayag sila na kahit kailan, hindi sila nagduda sa kanyang intensiyon dahil kahit noong wala pa ang isyu tungkol sa pork barrel, tumutulong sa mga project nila ang senador.â€
- Latest