^

Pang Movies

Dahil sa pagka-deboto sa Mahal na Ina Simbahang Katoliko hinihintay magparangal kay June Keithley

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ano kayang award mula sa simbahan ang ipag­kakaloob sa yumaong broadcaster na si June Keithley? Bukod sa pagiging mahusay na singer at stage musical actress, isang deboto siya ng Mahal na Birheng Maria at namuno ng maraming Marian activities, pati na ang maraming gawain upang mapatunayan na tunay ang apparition sa Lipa, Batangas ng Our Lady of Mediatrix.

Maraming naisulat na libro si Keithley tungkol sa paksang ito at sa iba pang milagro ng Mahal na Birhen. Naging member ng Cinema Classification Board si June Keithley, na noong aming kabataan ay hinangaan namin bilang bida ng mga stage musical ni St. Paul’s Fleur De Lis auditorium.

Manyika ni Santo Calungsod ideal na Christmas gift

Please bring extra cash sa pagsisimba ninyo this Sunday. Sa mga piling simbahan kasi ay makabibili kayo ng inilabas na Pedrito dolls, na image ng batang santong Pedro Calungsod.

Tulad ng mga nakikita nating larawan at mga imahen ni Santo Pedro, naka-kamiso-chino ang Pedrito doll na mabibili ng P650. Part of the proceeds ng malilikom from the sales ng manyika ay ibibigay sa mga Yolanda victim.

Nagkaroon na kayo ng isang collector’s item, nakapag-kawanggawa pa kayo. Tiyak namang tatagal ang Pedrito doll kung ilalagay sa isang lugar na hindi ito mababasa o sobrang maiinitan. Puwede rin itong pang-regalo this Christmas season kung bibili kayo ng marami.

Pearl Jam ipinadaan ang donasyon sa Pinoy fan

Sa dumarami pang mga tumutulong sa mga biktima ng bagyo, kabilang ang sikat na American band na Pearl Jam. Isang Pinoy na fan nila more than 21 years ago, si Rob Tuazon, ang nanood ng live concert ng international group at siya pang magdadala sa bansa ng tulong mula sa Pearl Jam.

Malaki ang nagawa sa buhay ni Rob ng Pearl Jam. Ang kanyang wife na si Tasha Salvador, sa isang forum ng banda niya nakilala. First time niyang napanood sa California concert ang Pearl Jam at makakatulong pa siya sa mga kababayan.

Isang anak nina Rob at Tasha ay pinangalanang Eddie Vedder ng mag-asawa.

Isa namang Singaporean, si Uncle Darry, ang nagpahiram ng kanyang kotse, para sa donation drive for Yolanda victims.

Naglibot sa buong Singapore ang mga nangalap ng tulong, gamit ang sasakyan ni Darry.

Rico Blanco nakilikom din ng ambag sa Singapore concert

Nasa isang Dubai concert si Rico Blanco nang nanalanta sa bansa ang Yolanda. Pagdating niya sa bansa, nakita niya ang isang message sa Facebook from a female fan: “Kantahin mo ang Bangon kasi ito ang laging pinatutugtog.”

Si Rico ang napiling kinatawan ng Pilipinas sa annual Sundown Festival ng Singapore (with Rocksteddy) at kasama sa kanyang repertoire ang Bangon nang magtanghal sila doon last Nov. 15.

Nakalikom pa sila ng konting tulong from the Lion City/State kaya’t kahit paano ay nabawasan ang lungkot nila.

Maestro Ryan binigyan ng award ng Vatican!

Pinarangalan ni Pope Francis at ng Vatican si Maestro Ryan Cayabyab ng Pro Ecclesia et Pontifice award para sa kanyang paglikha at partisipasyon ng mga religious song and music.

Ang sabi nga ng isang kapwa musician ni Ryan, ‘‘Ang ibang tao ay maaaring pumalya kung minsan sa pagbibigay ng parangal sa karapat-dapat na artista pero hindi ang langit na palaging maasahan.’’

Nalaman ni Ryan ang magandang balita mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines head na si Bishop Soc Villegas, na siyang nag-nominate sa batikang musikero para sa nasabing award. Konti pa lang sa buong mundo ang nabibigyan ng nasabing mataas na parangal mula sa Simbahang Katoliko.

Itinuturing ng mga worldwide musical artist na kasing hirap na ma-canonize as saint ang pagtanggap ng nasabing Papal and Vatican recognition.

 

ISANG

JUNE KEITHLEY

PEARL JAM

PEDRITO

RICO BLANCO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with