^

Pang Movies

Cristine bagong-buhay na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Showing na in cinemas nationwide starting today ang drama movie na When the Love is Gone na tampok sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Jake Cuenca, Andi Eigenmann, at Cristine Reyes na first movie directorial job ni Andoy Ranay for Viva Films.  Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.

Naalaala namin ang tanong kay Cristine noong last presscon nila kung totoong hindi naman siya masaya ngayon, after ng break-up niya sa ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Hindi raw totoo, mas masaya siya ngayon dahil naayos na niya ang buhay niya. 

Inamin niyang naging magulo ang buhay niya noon pero ngayon na bati-bati na silang buong pamilya, mas masaya na siya. 

Hindi maiiwasan kung nag-break man sila ni Derek pero ang mahalaga, friends pa rin sila at puwede pang magkatrabaho sa susunod na projects niya sa Viva Films. 

Marian pigil na pigil ang iyak

Based sa IG (Instagram) posted ng mga fans nina Marian Rivera at Ding­dong Dantes na sumama sa pamamahagi niya ng relief goods ng Kapuso Foundation sa tatlong lugar sa Cebu last Monday, makikitang may mga shots na parang naiiyak si Marian, lalo na doon sa isang batang babae na umiiyak na habang inaabot ang relief goods sa kanya. Pinigilan nga raw niyang ipakitang naiiyak siya dahil kailangan ng napakaraming taong nakapila roon ay makitang malakas sila at handang tumulong sa pagbangon nila. 

Gian at Frencheska matitindi ang halikan

Totoo kaya ang tsika na  sina  Gian Magdangal at Frencheska Farr na ngayon? Hindi kaya dahil ang dalawang Kapuso stars ang gumaganap na beach lovers sa Grease musicale na napapanood ngayon tuwing weekend sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Building in Makati City?

Frencheska plays Sandy Dumbroski na dating ginampanan ni Lea Salonga in 1995 at si Gian naman si Danny Zirko. Yes, maraming kissing scenes ang dala­wa pero humanga kami kay Frencheska dahil first stage play niya ito at dahil sa maganda niyang boses, she passed with flying colors.  Kasama rin sa cast si Iya Villania na hindi na baguhan sa stage at napakahusay din niya as Betty Rizzo. First time rin ito ni Rafa Siguion-Reyna na maganda rin ang boses as T-Birds Kenickie. Biniro nga naming stage mother si Direk Bibeth Orteza-Siguion-Reyna nang makasabay naming manood. Supportive raw lamang siya. 

Every show directed by Robbie Guevarra ng 9Work Theatrical, mayroon silang guest performer bilang Teen Angel singing Beauty School Dropout na nagsasabing bumalik sila sa high school. Si Tom Rodriguez ang first guest nila, then sina Tirso Cruz III, Michael de Mesa, Kris Lawrence, JayR, Franco Laurel, Audie Gemora.  Last weekend nila from Nov. 28 to Dec. 1. May matinee show at 3:30 p.m. sa Sat. at 4:00 p.m. sa Sun.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

ANDOY RANAY

AUDIE GEMORA

BETTY RIZZO

FRENCHESKA

NIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with