Solenn pumatol sa Indian tourist guide
Nahasa na sa pag-arte si Solenn Heussaff kaya naman hindi ito nababakante sa telebisyon at pelikula. Katunayan, mayroon siyang Sa Akin Pa Rin ang Bukas sa GMA 7. Matapos ang It’s Complicated ay nakalinya na ang Mumbai Love ng Capestone Pictures at iri-release ng Solar Entertainment Corporation na malapit nang ipalabas. Kinunan pa ito sa India at may magagandang tanawin din sa Pilipinas.
Maganda ang kabuuan ng pelikula, isang nakakikilig na romantic movie tungkol kay Solenn na umibig sa isang Indian tourist guide na susubukin ang matibay nilang pagmamahalan dahil sa pagkakaiba ng kultura at tradisyon.
Magaling ang direktor na si Benito Bautista na nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa kanyang obrang Samuel Over the Rainbow na ipinanalo nito sa international film competition.
Para sa karagdagang detalye, mag-log on sa www.mumbailovethemovie.com Twitter@mumbailove movie at Facebook@mumbailove move.
Depresyon ordinaryo na sa female celebrities
Ipinagdiriwang ngayon ang National Week for the Gifted and Talented 2013 at ipinaliwanag ni Dr. Letty Ho ang pagkakaiba ng gifted sa autistic children, may down syndrome, at iba pa. Layunin ng Philippine Center for Gifted Education ang vision na “Ang Pilipinong Pantas para sa Sambayanang Pilipinasâ€.
Inamin ni Dr. Ho na may ilang kliyente siyang celebrities na mga kababaihan na karaniwan sa kanilang problema ay depresyon lalo na kapag nagkakaroon ng problema sa pamilya, pakikipaghiwalay sa asawa at annulment. Ang counseling ay ’di naman pagbibigay ng diretsong pagpapayo kundi pagbibigay ng iba’t ibang alternatibong mas kailangan niya sa ikalulutas ng problema.
Ngayong Linggo ay magkakaroon ng Mga Bagong Rizal 2013 Awards Night at magiging panauÂhing pandangal si Congressman Alfred Vargas.
Ang search para sa Mga Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan ay nagsimula noong 2011 during the 150th celebration of Dr. Jose Rizal. Hinahanap nila ang “individual who personifies what a complete Filipino is. He is the epitome of the Filipino Gifted.â€
- Latest