^

Pang Movies

Dingdong, Marian, at iba pang Kapuso stars walang tigil sa pagtulong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung nanood kayo ng special presentation ng GMA 7 na Tibay ng Pusong Pilipino kahapon, kahit more than a week nang nanalanta ang bagyong Yolanda, hindi ka pa rin makapipigil na maiyak. Sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagtipun-tipon ang mga Kapuso star at news anchor sa Studio 6 & 7 ng Annex building ng network para sa te­lethon at sila-sila rin ang magkakatulong na nag-pack ng relief goods, sa tulong din ng Philippine Marines, at sumagot sa mga tawag ng mga donor. Nagbigay din sila ng mga napapanahong awitin. Marami pang ibang singers na nakiisa sa special presentation. 

Ang lahat ng donations ay mapupunta sa Kapuso Foundation at sa Yes Pinoy Foundation. Lahat naman ng matatanggap nilang donations sa telethon ay mapupunta sa Ka­puso Foun­dation. Ipinakita rin ang mga kaba­ayan natin abroad na nag­padala ng kanilang donations sa Kapuso Foundation. May live reports din mula sa affected areas ang mga top news correspondent ng GMA News & Public Affairs at ipinakita nila ang dahan-dahang pagbangon ng mga sinalanta ng bagyo pero na­ngangailangan pa sila ng marami pang tulong para tuluyang makatayo.                             

Geoff umaming naging matigas ang ulo sa GMA

“Ang guwapo” ang bati ng mga entertainment press nang makausap nila si Geoff Eigenmann sa presscon ng bago niyang project sa GMA 7 ang telefantasyang Adarna. Nagpasalamat si Geoff at natatawang inamin na he ignored ang ipinadalang fat memo sa kanya ng network. Nagbiro pa siyang matigas daw kasi ang ulo niya at kahit alam niyang magiging frozen delight siya sa kanyang 210 lbs., sinunod na lamang muna niya ang gusto niya, nagbakasyon siya. 

Pero nang alam na niyang dapat na siyang magpapayat. Nagsimula na siyang mag-diet, nag-mixed martial arts siya, at halos everyday ay nasa gym siya at doon nga niya nakasama ang leading lady niya sa Adarna, si Kylie Padilla. Medyo nagulat pa siya nang tawagan siya ng GMA 7 at sinabing siya ang magiging leading man ni Kylie. Natuwa siya na kahit hindi naman sila masyadong nagkakausap sa gym ng aktres ay hindi naging problema ang first taping day nila. 

Friends din sila ng dalawa pang leading men ni Kylie, sina Benjamin Alves at Mikael Daez, at ganun din ang director naman nilang si Ricky Davao. Mamayang gabi na ang Adarna pagkatapos ng Genesis.

Tunay na Buhay araw-araw na

Simula ngayong Lunes, after Kusina Master, araw-araw nang mapapanood ang Tunay na Buhay, hosted by Rhea Santos. For the pilot week, mapapanood ang makukulay na mundo nina Elizabeth Ramsey, John Regala, Cristina Gonzales-Romualdez, Cherrie Madrigal, at Inday Garutay.

Dalawang taon nang itinatampok ang biographical documentary na nagbibigay ng inspirasyon sa mga nakakapanood ng bawat episode nila.

 

vuukle comment

ADARNA

BENJAMIN ALVES

BUHAY

CHERRIE MADRIGAL

CRISTINA GONZALES-ROMUALDEZ

KAPUSO FOUNDATION

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with