^

Pang Movies

Jennylyn nakipagkutsaba kay Luis na isikreto ang dahilan ng hiwalayan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa video interview ni Jennylyn Mercado sa Startalk aired last Saturday, natanong siya kung may pagbabalikan kayang magaganap sa kanila ni Mark Herras ngayong magkakasama sila sa isang serye sa GMA 7, ang Rhodora X?

“Para sa akin, kung tapos na, ta­pos na. Hindi na kailangan pang balikan,” say ni Jen. “Siguro ’yung relasyon namin ni Mark, special. Masasabi ko na special kasi marami rin kaming pinagdaanan. Marami rin kaming pinagsamahan kaya masasabi ko na isa siya talaga sa espesyal para sa akin.”

Say naman ni Mark, masaya siya sa pagbabalik-tambalan nila ni Jen at excited na nga siya sa proyekto.

Nang tanungin naman si Jen kung handa ba siya ulit tumanggap ng suitors, ayon sa aktres, matatagalan pa raw.

“Sa ngayon, matatagalan talaga bago ako mag-entertain ulit o ma-involve ulit sa isang tao. Kaya ayoko muna. Trabaho muna,” she said.

Moving on na ang aktres matapos ang breakup nila ni Luis Manzano at ayaw na niya talagang pag-usapan pa ang ex-boyfriend dahil napagkasunduan naman nila na isapribado na lang kung anuman ang napag-usapan nila when they broke up.

Marian ipinagkatiwala na ang buong buhay kay Dingdong

Sa rami ng intrigang dinaanan ng relasyon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nananatili    silang matatag and unaffected.

“Sabi nga ni Dong, dumating ako sa tamang pa­nahon at sa tamang posisyon sa puso niya. Ganun din siya sa akin,” she said.

Aniya ang intriga ay parte naman talaga ng buhay. Kahit wala raw sa showbiz ay may intriga.

“Parte naman ’yan ng lahat ng tao. Ang tanong ay kung paano mo mapanghahawakan ‘yan,” nakangiti niyang say.

Basta raw noon pa man ay buung-buo ang lahat ng tiwala at pagmamahal niya kay Dingdong.

“Si Dong ang tipo ng tao na hindi lang one hundred percent ang trust ko sa kanya. Buong buhay ko talaga, tina-trust ko sa kanya dahil ganung klase siyang lalaki,” saad pa ng Ginebra San Miguel Calendar Girl for 2014.

Anyway, ang daming pumupuri sa kaseksihan ni Ma­rian sa kanyang calendar. Pinaghirapan daw niya talaga ang pagpapayat at pagda-diet bago isinagawa ang pictorial.

“No meat, no beef. Vegatables lang and fish,” pagse-share niya sa kanyang sikreto sa diet.

Pero kapag wala naman daw siyang shoot or pictorial ay kumakain naman siya.

“Kumakain pa rin ako kasi nga nag-e-exercise naman ako. Pero huwag lang sobra. ’Tapos, halimbawa, bukas ang shoot ko, ngayong araw na ito, diet talaga,” say niya.

Kris nag-iisang nominado sa ‘Pinas para sa pagho-host

Pasok ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa listahan ng nominees ng Asian Te­levision Awards (ATA) 2013. Siya ang kaisa-isang no­mi­nado mula sa Pilipinas para sa best entertainment presenter/host category na makakatunggali niya ang apat pang TV hosts mula sa Singapore and Thailand.

Nag-iisang Philippine nominee rin ang The X Factor Philippines ng ABS-CBN sa kategoryang best reality show kasabay ang iba pang programa mula sa Singapore, Indonesia, India, at China.

Base sa opisyal nilang website (ATA.onscreenasia.com), ang Asian TV Awards ay ang pinakaprestihi­yo­song award-giving body sa Asya na kumikilala sa husay ng mga Asyano sa larangan ng TV programming, pro­­duction, at performance. Ang resulta ng kumpetisyon ay pagpapasyahan ng “expert panel” na binubuo ng mahigit na 50 hurado mula sa buong rehiyon ng Asya.

Gaganapin ang awards ceremony at gala dinner ng Asian TV Awards sa Disyembre 5 (Huwebes) sa Resorts World Sentosa sa Singapore.

 

 

vuukle comment

ASIAN TE

ASYA

DINGDONG DANTES

GINEBRA SAN MIGUEL CALENDAR GIRL

JENNYLYN MERCADO

KRIS AQUINO

NAMAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with