^

Pang Movies

KC generous din, nagbigay ng P5M sa mga hinagupit ng bagyo

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kung si Sharon Cuneta nagbigay ng P10 million donation for Yolanda’s victims, ang kanyang anak na si KC Concepcion, P5 million ang donation. Parehong rich and generous ang mag-ina.

Nagtanong ang isang reporter, kung magkano naman kaya ang gibsung ni Gabby Concepcion? Malakas ang halakhak ni Lolit Solis.

Dyowa ni Charice pinagdududahang tiboli na rin?!

Nanggagalaiti sa galit si Charice Pempengco sa mga bashers na nanunumbat na ang kanyang mahal na si Alyssa Alano ay pera lang niya ang habol.

Sa ganda ba naman ni Alyssa maniniwala siyang tunay siyang minamahal ng kanyang girlfriend?

Depensa naman ng international singer, mara­ming D.O.M na handang gastusan ang kanyang nob­yang gusto na niyang pakasalan, pero siya pa rin ang pinili.

Well isa lang ang maaring sagot diyan - puwedeng tiboli rin si Alyssa o ZsaZsa Padilla!

Sige na, pakasal na nga kayo sa New York City, para hindi na guluhin dahil magiging legal (doon sa NYC at hindi sa ating bansa) ang inyong affair.

BF ng actress pumatol sa Lalaki’t bakla!

Naguguluhan sa tunay na pagkatao ng kanyang bagong boyfriend ang isang aktres. Pakiramdam    niya mahal siya ng menchu, pero kung makikinig  siya sa lahat ng mga bulong sa kanya, lalo lang siyang naprapraning.

Me nagsabi kasing dating kept man ng isang rich gay ang macho. Isa pang gumugulo sa kanya ay meron daw naging boyfriend na young actor ang kanyang current partner. Hindi lang pala AC/DC ang makisig at matipunong aktor!

Malaking palaisipan ang kanyang tunay na kasa­rian. Iha baka kapag nasa location shooting ka, ginagamit ng inyong boyfriend ang iyong mga rollers at underwear.

Karla kabisado ang pasikut-sikot sa Tacloban

Lumaki pala sa Tacloban si Karla Estrada, kaya’t kabisado niya ang lahat ng lugar sa nasalantang lungsod ng Leyte, pati na ang mga kasunod na bayan tulad ng Palo, Tanauna, hanggang Ormoc.

Ilang araw nangamba sa seguridad ng kanyang ina at maraming kamag-anak sa Tacloban, dahil nawalan ng komunikasyon doon. Papunta na sa Leyte si Karla pero mahirap ang biyahe. Ang kanyang kapatid ang tumuloy at nakita naman ang nanay nila doon, pero nagugutom dahil ilang araw na walang pagkain.

Bago pa makita ang mother ni Karla, nanawagan na sila sa mga fans ni Daniel Padilla. Dumating agad ang mga tulong mula sa mga tagahanga, kaya punong bigla ang kanilang clubhouse ng relief goods. Minamadali na ang pagpadala nito sa Tacloban.

Dennis at Jennylyn pareho ang sinasabi, nag-usap na!?

After Dennis Trillo, si Jennylyn Mercado naman ang nag-deny ng rumored romance nilang dalawa, kaya nag-break sila ni Luis Manzano. Say ng aktres, hindi niya ugali na balikan ang kanyang mga dating boyfriend.

Pareho ang deklarasyon nila Dennis. Tiyak na hindi naman nag-usap ang dalawa!

Tatlong kapamilya aktor mainit ang labanan

Tatlong taga-ABS-CBN ang maghigpit na magkalaban sa best drama actor award ng PMPC Star Awards for TV – sina Coco Martin for Juan dela Cruz, Richard Yap para sa Be Careful With My Heart at si Piolo Pascual sa mapangahas niyang pagganap sa Apoy sa Dagat.

Buong-buo sa alaala ng mga kafatid ang sexy-drama sequence ni Piolo sa loob ng isang maliit na bangka. Gulat na gulat sila na nagawa ng aktor ang nagliliyab na eksena sa loob ng isang makipot na lugar.

Aba lumalaban rin sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez para sa My Husband’s Lover.

Malay naman ninyo nililihim lang ni Gabo ang binigay niyang tulong.

vuukle comment

AFTER DENNIS TRILLO

ALYSSA

ALYSSA ALANO

KANYANG

KARLA

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with