^

Pang Movies

Rihanna, Sarah Jessica Parker atbp. ipinagdarasal ang ‘Pinas!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatataba ng puso ang suporta na ibinibigay ng ilang international celebrities sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda o kilala sa international name na Haiyan noong nakaraang Nov. 8. Hinihikayat nila na magbigay ang iba pa ng tulong sa ating bansa lalo na sa mga taga-Visayas at Mindanao nung dumaan ang mapangpinsalang bagyo.

Nauna nang nagpadala ng kanyang dasal at su­porta ay si Pope Francis at ang R&B singer na si Ri­hanna sa pamamagitan ng kanilang Twitter accounts.

Kabilang din sa mga nagparamdam ng concern ay ang Hollywood star and Sex and the City star na si Sarah Jessica Parker. Nabanggit pa nga nito ang kanyang pagbisita sa Pilipinas noong Mayo para sa pagbukas ng mall sa Taguig City.

Nagpaabot din ng dasal sina Josh Groban, Christina Aguilera, Ricky Martin, Sara Bareilles, at kahit ang boxing champ na si Floyd Mayweather, Jr.

Si Selena Gomez naman ay nag-request sa kanyang 17 million followers sa Twitter na magbigay ng kanilang donations sa United Nation’s Children’s Fund or UNICEF para makarating ito sa mga biktima ng bagyo sa ating bansa.

Gayun in ang Mexican superstar na si Thalia na ipinagdasal ang mga Pinoy at gumagawa ng kanyang makakaya para makapagpadala ng tulong.

 

vuukle comment

CHRISTINA AGUILERA

FLOYD MAYWEATHER

JOSH GROBAN

POPE FRANCIS

RICKY MARTIN

SARA BAREILLES

SARAH JESSICA PARKER

SEX AND THE CITY

SI SELENA GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with