^

Pang Movies

Guy hindi binitin SI Direk Brillante

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Star-studded ang premiere night ng pelikulang Sapi noong Martes ng gabi kung saan dinumog ng mga tao ang sinehan. Maraming director ang dumalo para suportahan si Direk Brillante Mendoza gaya nina Carlitos Siguion-Reyna, Pegue Gallaga, Gil Portes, Tony Reyes at iba pa.

Nagkagulo ang mga tao nang dumating si Nora Aunor bilang suporta sa director niya ng Thy Womb. Lalong nagkagulo ang mga tao nang dumating ang mga artistang sina Meryll Soriano, Baron Geisler, Ruby Ruiz at Dennis Trillo. Siyempre naroon din si Tom Rodriguez na pinagkaguluhan ng mga tao. Dumating din si Wilson Tieng ng Solar.

Puno ang mga sinehan at ang mga kababayan ni Direk Brillante sa Mandaluyong na very proud sa kanilang kababayang si Direk Brillante na pinarangalan nilang outstanding filmmaker. Hindi na nga mabilang ang mga award ni Direk dahil sa malaking karangalang naibibigay nito sa bansa dahil sa kanyang mga de-kalidad na pelikula na isinasali sa film festival sa abroad.

Ang Sapi ay isa na namang award-winning entry ni Direk na palabas na ngayon sa mga sinehan, prod­yus ng Centerstage Productions at release ng Solar Entertainment Productions.

Angelu natatakot na ma-in love agad ang anak

Nadatnan namin si Angelu de Leon sa set visit ng Pyra: Babaeng Apoy at masaya nitong ikinuwento na teenager na ang anak niya kay Joko Diaz na si Nicole na 15 years old na. Twelve years old naman ang isa pa niyang anak na si Lois at ang bunso ay si Rafa sa anak niya kay Wowie Rivera.

Kasama nga ni Angelu si Rafa sa set ng Pyra at mukhang ito ang may hilig sa showbiz. Yung dalawa niyang anak ay mas may hilig sa pag-aaral at wala ang puso sa showbiz.

Dalawang taon lang ang tanda ni Thea Tolentino kay Nicole kaya parang anak din ang turing niya sa young actress na lagi niyang pinapayuhan pagdating sa pag-ibig. Ayaw ni Angelu na mangyari sa kanyang anak at kay Thea ang nangyari din sa kanyang buhay nang mabuntis ni Joko noong siya’y 18 years old. Nag-live in silang dalawa pero nagkahiwalay din.

vuukle comment

ANAK

ANG SAPI

ANGELU

BABAENG APOY

BARON GEISLER

CARLITOS SIGUION-REYNA

CENTERSTAGE PRODUCTIONS

DENNIS TRILLO

DIREK BRILLANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with