^

Pang Movies

Pamunuan ng Miss World hindi naging maingat!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakagulat naman iyong nangyaring aksidente sa Miss World na si Megan Young. Mabuti at nagalusan lamang siya nang bumagsak ang flooring ng iskuwelahan na pinuntahan nila sa Haiti, bilang bahagi ng kanyang charity concerns bilang Miss World. Iyong organizer mismo ng Miss World grabe ang naging bagsak, nagkaroon ng fracture at kailangang ilipad agad sa US para maoperahan dahil sa nabaling buto.

Naiintindihan naman namin na talagang mahirap na bansa ang Haiti, at siguro nga hindi lamang ang iskuwelahang iyon kundi marami pang iba riyan na guguho na lang ay hindi pa maipagawa, pero mayroon pa rin kaming sisisihin diyan, iyong franchise holder ng Miss World sa Haiti. Bakit hindi naman sila naging maingat sa mga lugar na ipadadalaw nila sa Miss World?

Siguro masisisi mo rin ang pamunuan ng iskuwelahang iyon, kapabayaan iyan eh. Huwag na si Megan, papaano ang mga batang nasa iskuwelahang iyon ngayong biglang gumuho ang kanilang flooring. Iyong isa ay malubha pa ring nasaktan. Hindi ba dapat kung may bulok na bahagi ang isang building at hindi pa nila maipagawa ay maglagay man lang sila ng warning na mahina na ang bahaging iyon, at huwag nang payagang magpunta roon ang mga tao. Nakakahiya, iyon pang Miss World ang naaksidente.

Inamin ni Megan na natakot siya, at iyon ang kauna-unahang nagkaroon siya ng ganoong karanasan. Aba eh sa history nga siguro ng Miss World, ngayon lang naman may nakarating sa isang lugar na gumuho ang flooring.

Dapat naman mas maging maingat sila, at siguruhin namang ligtas ang mga lugar na pinapupuntahan nila kay Megan. Gigiyerahin sila ng mga Pinoy niyan.

Arnold maling tao ang na-interview kaya napikon

Ilang araw nang pinag-uusapan si Arnold Cla-vio sa mga social networking sites. May nakita pa ka­ ming isang article tungkol doon na siyempre binanatan din si Arnold, na nasa isang website naman ng isang kalabang istasyon. Inisa-isa pa nila ang na­ging problema ni Arnold, kagaya noong pagtataray din niya sa dalawang football players na kabilang sa Azkals. Pero kalabang network iyan eh, o sabihin nating isang network na nagpipilit na lumaban, kaya nila binanatan nang ganoon si Arnold.

Napanood namin ang video. Halata talagang napikon si Arnold sa nasabing interview dahil wala siyang mapiga sa abugado ni Napoles. Iyong mapikon ang isang host sa isang subject ng interview ay talagang taboo. Pero mas sisisihin namin ang staff ng show. Mali ang feed nila kay Arnold. Bakit iyong abogadong iyon ang tinawagan nila kung ang gusto nilang malaman ay ang kaso ni Napoles sa PDAF?

Iyong staff ng show ang nagkulang sa research, at ang kaso lang ni Arnold, napikon siya nang wala siyang makuhang detalye, kasi maling tao nga ang kanyang ini-interview.

Aktres buwisit sa pagtataray ng Produ

Inis na inis ang isang female star sa isang TV producer, na kung magtaray daw akala mo ay kung sino. Sabi ng female star, “siya ang humarap sa salamin kung maganda siya? Siya ang magpaliwanag kung naanakan siya nang wala naman siyang asawa. Tapos ganoon siyang magsalita, akala mo kung sinong maganda at walang kapintasan”.

Tama po ang sinabi ng female star.

vuukle comment

ARNOLD

ARNOLD CLA

BAKIT

ISANG

IYONG

MEGAN

MISS WORLD

NILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with