^

Pang Movies

Bimby type nang magkaroon ng sariling show, gustong interbyuhin si Kris!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Habang lumalaki ay lalong gumuguwapo ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Baby James or Bimby Yap, Jr. Say nga ng Queen of All Media tungkol sa kanyang anak, heartthrob in the making daw at mukhang true naman talaga.

At take note, mukhang sinusundan na niya talaga ang yapak ng kanyang ina dahil parang nae-en­joy niya na rin ang showbiz ngayong naranasan na niyang magkapelikula. As we all know, isa siya sa mga bida ng My Little Bossings with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival this December.

Mukhang magtutuluy-tuloy na ang pagiging ar­tista ni Bimby dahil type rin niyang magkaroon ng sariling show. When asked kung ano ang title, say niya ay The Bimby Show.

At heto ka, dagdag pa ni Bimby, willing daw siyang interbyuhin ang kanyang ina para sa kanyang show. O ’di ba naman ’kakaaliw?

So, ibig bang sabihin nito ay hindi niya susundan ang yapak ng ama na maging basketball player? Sabagay, hindi pa naman natin makikita sa ngayon kung hanggang saan siya tatangkad pero parang wala siyang interest sa basketball.

Anyway, kagagaling lang ni Kris at dalawang anak sa Japan kung saan sila nagbakasyon nitong Halloween. Nakikita nga namin ang mga picture na ina-upload niya sa kanyang Facebook page at halatang nag-enjoy silang mag-iina sa naturang bansa.

Paulo hindi nagseselos sa NBA player na naka-date ni KC

Mukhang pinangangatawanan ni Paulo Avelino ang slogan ng serye niyang Honesto na “honest to pro­mise” dahil umamin siya last Sunday sa Buzz ng Bayan na nagdi-date sila ni KC Concepcion na talagang ikinagulat ng mga host na sina Boy Abunda, Janice de Belen, and Carmina Villaroel.

Noong una ay nasa hiwalayan nila ni LJ Reyes ang topic and out of the blue ay biglang itinanong ni Kuya Boy kung kumusta sila ni KC. Napangiti ang aktor at tanong ulit ni Kuya Boy, “Are you friends?”

“Yes, we are,” sagot ni Paulo.

Sinundot naman ni Janice ng tanong na “Do you like her?”

Hindi na nagawang mag-deny ni Paulo at tila nahihiyang inamin na “we’re da­ting” kaya nagkagulo na sa studio at napa­tayo na si Kuya Boy sa kinauupuan.

Sunud-sunod na ang tanong ng mga host kay Paulo about KC pero ayaw nang magdetalye pa ng aktor. Tinanong nga ni Carmina kung exclusively dating na ba sila or getting to know each other stage pero say niya ay ikukuwento na lang niya off-cam.

Nabigla naman si Kuya Boy at, say niya, kapag nag-uusap daw sila ni KC ay wala itong naikukuwento tungkol sa aktor.

Natanong si Paulo kung hindi ba siya nagselos sa American basketball player na naka-date ni KC at ayon sa aktor ay hindi.

When asked kung alam daw ba niya ang tungkol sa pagde-date na ’yun, sagot ni Paulo ay nabasa na lang daw niya sa social media.

Tinanong ni Kuya Boy kung ano ang naging reaksiyon niya nang mabasa niya at say ng Honesto actor, “Sa akin kasi, Tito Boy, me as a person, hindi rin talaga ako seloso dahil I try to really think things first before I say anything or just bring it out. Nasabi na naman niya ’yung totoo, so, wala naman sigurong...”

Na-analyze naman ang mga host na hindi sila exclusively dating kung nakikipag-date pa si KC sa iba at napangiti lang si Paulo.

Natanong din kung matagal na silang magkakilala ni KC at say ni Paulo ay matagal na raw. Una niyang nakasama ang aktres sa Maalaala Mo kaya two years ago.

Oh well, ano kaya ang masasabi ni KC tungkol sa pag-amin na ito ni Paulo? In fairness sa aktres, ang haba ng hair niya.

Walang interes sa basketball.

 

 

vuukle comment

BABY JAMES

BIMBY

BIMBY SHOW

KUNG

KUYA BOY

NAMAN

NIYA

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with