^

Pang Movies

Jake bumilib sa fan na ayaw sa kotseng regalo ng magulang!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Dumalo si Jake Vargas kamakailan sa 18th birthday ng isa niyang avid fan. Ikinagulat ng singer-actor na tinanggihan ng kanyang tagahanga ang regalo ng mga magulang na isang Kia brand new car na P1.2 M ang halaga dahil ang gusto lang daw ng debutante ay makita ang kanyang paboritong artista.

Ang tanging wish lang talaga ng dalaga ay makita si Jake sa kanyang birthday na halos wala raw kibo bago ang celebration, ayon sa kuwento ng parents ng fan. Ang isa pang hiling sa kanila ay maisayaw siya ni Jake sa kaarawan niya.

Tuwang-tuwa ang birthday celebrant nang dumating at maisayaw nga siya ng singer/actor. Touched na touched naman si Jake nang mahigpit daw siyang yakapin sa saya sa 18th birthday ng female fan.

Paulo maka-survive kaya sa level at trip ni KC?

Parang kelan lang ang sweet at kakilig-kilig na lampungan nina Paulo Avelino at LJ Reyes sa ilalim ng puno sa may old building ng GMA 7 noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.

Siyempre ngayon ay iba na ang istorya dahil open na ang aktor sa pagsasabing hiwalay na sila ni LJ pero in good terms naman sila at libre raw niyang maisasama ang kanilang anak na si Aki sa mga lakaran. At ngayon ay open na rin si Paulo sa panliligaw niya kay KC Concepcion.

Hindi agad nakalusot si Paulo sa mga intrigera dahil unang sumbat agad sa kanya ay ang pagiging binatang ama niya.

Abangan kung masu-survive ni Paulo ang kanyang mga detractor na mukhang malakas nga ang tama sa anak ng Megastar. At tingnan natin kung matapang din siyang masasakyan ang bagong trip ni KC sa ilang pictures nito sa kanyang instagram na puro ahas uli ang hawak.

Bidang bata sa Honesto konti lang ang exposure

Umaangal ang mga bagets sa bahay na bitin daw sila sa palabas na Honesto ng ABS-CBN. Lalo na raw sa bidang bata na si Raikko Mateo dahil konti lang daw ang exposure nito sa palabas.

Excited kasi ang mga bata sa pagpapakitang gilas ni Honesto na sa trailer pa lang, na isang linggo pa lang naman umeere, ay umaariba at nagmamarka na agad hindi lang sa viewers kundi maging sa advertisers.

Ang nakakainis pero nakakaaliw ay ang arte ng mag-among Joel Torre at Nonie Buencamino bilang mga kontrabida sa palabas. Halatang nilalaro lang pareho ng mga award-winning actor ang mga role nila. Super galing kasi sila sa kanilang ad lib at hitsura na pasaway din sa buhay ng lolo ni Honesto na ginagampanan ni Eddie Garcia.

Ngayon pa lang ay nangangamoy na ng award para sa tandem nila sa Honesto.

 

vuukle comment

EDDIE GARCIA

HONESTO

JAKE VARGAS

JOEL TORRE

LANG

NONIE BUENCAMINO

PAULO

PAULO AVELINO

RAIKKO MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with