^

Pang Movies

DreamniSarah natupadnaagad!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang dream come true for Pop Princess Sarah Geronimo dahil tuloy ang paggi-guest ni Regine Velasquez-Alcasid. Sure na makababalik si Regine from her Silver US series of shows para sa Perfect 10 anniversary concert niya sa Nov. 15 sa Smart Araneta Coliseum.  Nabanggit kasi ni Sarah noong presscon niya para sa concert na ang dream niya ay maging special guest niya ang Asia’s Songbird dahil itinuturing niyang mentor ang singer-actress dahil ito ang nag-host ng Star For a Night na naging champion siya at nagpasimula sa kung ano na ang narating niya ngayon pagkalipas ng 10 years.

Pero hindi lamang si Regine ang special guest ni Sarah, tiyak din ang pagdating ni Lea Salonga na naging close na kay Sarah since naging judges sila sa katatapos ng The Voice Philippines. Kasama pa si Jason Farol na nasa bansa dahil nagpo-promote ito ng kanyang solo album.

Iyong hindi makaka-avail ng tickets for Nov. 15 concert ni Sarah, may chance pa kayong bumili ng tickets sa repeat sa Nov. 30 sa SM Mall of Asia Arena at sa Dec. 7, sa Cebu. Parts of the proceed ng Cebu concert ay ido-donate ni Sarah at ng Viva Concert sa mga naapektuhan ng lindol doon.

Richard hands-on sa bagong pelikula sa GMA

Sa Twitter account ni @mondgutierrez namin unang nabasa na katatapos lamang ng twin brother niyang si Richard Gutierrez makipag-meeting for a new movie na sabi niya ay something he’s never done before, with young, exciting, collaborative team. 

Ayon naman sa nakausap naming taga-GMA Films, nakipag-meeting na sa kanila si Richard, ka­sama ang mom-manager niyang si Annabelle Rama at kakambal na si Raymond. Hands-on si Richard sa bagong movie project.

Paulo hinihintay umamin tungkol sa kanila ni KC

Mukhang makakatulong sa promo ng Status: It’s Complicated ng Regal Entertainment, Inc. ang pag-amin ng mga lead actor na sina Jake Cuenca at Paulo Avelino ng true status nila ngayon. Kung si Paulo ay inamin nang hiwalay na nga sila ng girlfriend of many years na si LJ Reyes, turn naman ni Jake na umamin na for almost two years ay naging sila ni Lovi Poe. Kung noon ay laging sinasabi ni Jake na wala silang relasyon ni Lovi, iyon pala matagal na rin naging sila pero lagi raw siyang iniiwanan ni Lovi.

Hindi lamang naman si Lovi ang nakarelasyon ni Jake, ilang aktres na rin ang inamin at dininay niya pero nagpapasalamat daw siya sa mga nakaraan niyang relasyon dahil marami siyang natutunan na puwede niyang magamit kung sakaling magkaroon siya ng bagong karelasyon. Pero totoo raw na wala pa siyang bagong girlfriend ngayon. 

While si Paulo, balita namang ang nililigawan ngayon ay si KC Concepcion at madalas silang nakikitang magka-date. 

Aminin din kaya ito ni Paulo? Sa Nov. 6 na ang showing ng Status: It’s Complicated in cinemas nationwide na kasama nila sina Maja Salvador at Solenn Heussaff.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CEBU

JAKE CUENCA

JASON FAROL

LEA SALONGA

LOVI

LOVI POE

MAJA SALVADOR

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with