^

Pang Movies

Sexy starlet umeksena sa blowout party ng La Salle

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa blowout party ng La Salle for winning the UAAP basketball crown, may nai-report na pretty starlet na dumalo.

Buti na lang hindi si Jeron Teng ang escort ng artista. Kung hindi ay sira agad ang planong i-build up si Jeron with a young and very pretty newcomer.

Trial balloon lang ang appearance niya sa Got to Believe. Kapag nag-enjoy siya, a bigger role ang gagampanan niya sa susunod na teledrama.

Sikat na singer/actor sobrang laki ng sandata

Sa mga laging nagtatanong kung may mga na-sight kaming mga artista, heto na ang hinihintay nin­yo. Minsan nasa loob na kami ng hot pool ng resort hotel kung saan dapat maghubad muna bago pumasok, dumating ang sikat na singer/actor with his DJ friend.

Nakababad na kami sa mainit na pool nang lu­mapit sila sa amin. Ang artista, tumingkayad sa a­ming harap. Sobrang laki ng kanyang sandata at super haba pa, kaya sumayad sa tile floor! Ang sa DJ hindi na namin tiningnan dahil na-focus ang aming attention sa lethal weapon na sobrang nakakakaba!

Bukas, isang five-star splendor naman.

Rey Langit at Kitchie Benedicto pararangalan ng PMPC

Congratulations to Rey Langit na napiling Excellence in Broadcasting awardee ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV to be staged at the Solaire Resort & Casino on Nov. 24!

Sa botohang ginanap sa PMPC office last Tuesday, Nov. 29, maraming nominees pero nakakuha ng pinakamaraming votes ang veteran radio and TV personality na batikan sa pagbabalita, public ser­vice at public affairs. Ma­rami na siyang natulu­ngang mga kababayan, pati ang mga overseas Pinoy worker at kanilang mga pamilya.

Ang gagawaran naman ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay ang TV produ­cer-director na si Kitchie Benedicto. Sa kanilang sariling networks na RPN9 at IBC-13 nag-produce ng maraming hit TV shows si Kitchie, kasama na ang long-running Superstar show, An Evening with Pilita, at ang mga top-rating talk show ni Inday Badiday (Ate Luds Carvajal).

Aktres biglang nagpapa-cancel ng interview, walang sabi-sabi basta na-feel lang

Dumating naman ng maaga ang erratic star sa launch ng isang project to have time for an exclusive interview with a popular writer. Nagulat ang manunulat na mas maagang dumating sa venue nang lapitan siya ng P.A.

‘‘Cancelled po ang interview, ayaw niyang paistorbo,’’ sabi ng alalay.

Ipinalabas na ang pelikula, flopsina! Ang bilis ng karma!

Jessy tikom palagi ang bibig kapag pinapipili ng lalaki

Dati ayaw magsalita si Jessy Mendiola kung sino kina Sam Milby at Jake Cuenca ang type niya. Ngayon, pinapapili siya sa magkapatid na Jeric at Jeron Teng na parehong may crush sa kanya.

Aba’y ayaw pa ring magsalita ng sexy starlet. Mukhang takot siyang masaktan sa mga bagay na hindi naman talaga siya involved. Baka nga hindi niya kakilala ng husto ang magkapatid na hard court heroes. Tama naman, manahimik ka na lang, Jessy.

Enrique natu-turn off kapag ikinukumpara sa pagsasayaw ni Daniel

Mukhang turn off si Enrique Gil sa pagkukumpara sa kanya kay Daniel Padilla lalo na sa pagsasayaw.

‘‘I dance,” idiniin pa ni Gil.

Magkapatid na Teng dapat paghiwalayin

Kahit sabihin pang close silang mag­kapatid, higit na aariba ang sibling rivalry kapag nagkahiwalay sila ng TV network. Kung sina Jeron at Jeric Teng ay magkahiwalay na magiging Ka­pa­milya at Kapuso, higit naman silang pag-uusapan at lalong magiging hot copies.

Ang tipo ni Jeron ang bagay sa ABS-CBN, sa lakas ng kanyang appeal. Si Jeric naman na simple ang da­ting, puwede sa GMA 7. Maaari rin namang mapapirma agad si Jeric sa TV5.

Nasa tamang project, kung sino ang unang sisikat at magiging TV star.

vuukle comment

ADING FERNANDO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

JERON

JERON TENG

KITCHIE BENEDICTO

REY LANGIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with