^

Pang Movies

Raymart todo-kayod para sa mga abogado

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Raymart Santiago at sinabing talagang nami-miss niya ang mga anak na sina Santino at Sabina.

“Ayaw kong isipin na nawalay ako sa aking mga anak. Biruin mo nung pagkagising ko sa umaga, una kong silang nakikita? Ngayon ko na-realize kung gaano ko sila nami-miss na wala na sila sa aking tabi,” sabi ng aktor.

Nang tanungin namin si Raymart kung ano ang wish niya ngayong Pasko, sinabi nito na sana’y makapiling niya ang dalawang anak.

Ang naging konsuwelo lang nito sa bahay ay ang pamilya niya — ina at mga kapatid na hindi bumitiw sa kanya sa pinagdadaanang problema mula noong day 1.

Magiging abala si Raymart sa mga proyekto sa GMA 7 dahil kapipirma lang nito ng kontrata.

Nagbiro pa nga ang aktor na kailangan niya ng raket pambayad sa abogado.

Palabas na sa Nov. 4 ang Villa Quintana sa direksiyon ni Gina Alajar on GMA Afternoon Primetime.

Enzo at Lauren lumabansa Halloween na aktingan

Napanood namin ang Dormitoryo noong Linggo at magagaling umarte ang cast lalo na sina Enzo Pineda at Lauren Young. Isang suspense-thriller ang serye lalo na noong Linggo na nakadagdag sa nakakatakot na eksena ang mga costume ng tauhan sa Halloween party nila.

Baron nagmukhang matino na

Matino na si Baron Geisler nang humarap sa entertainment press. Kasama siya sa indie film na Sapi bilang news reporter na nakakuha ng footage tungkol sa babaeng sinapian ng masamang espiritu.

Magaling na artista si Baron na nagsimula bilang child star sa kiddie gags show na Ang TV. Nakakuha na ang aktor ng maraming awards tulad ng best actor sa 4th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2008 at nanalo rin bilang best actor sa Star Awards for TV para sa Maalaala Mo Kaya noong 2005.

Sana tuluyan nang makawala si Baron sa masamang bisyo dahil sayang ang kanyang talento bilang magaling na artista.

vuukle comment

AFTERNOON PRIMETIME

BARON GEISLER

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

ENZO PINEDA

GINA ALAJAR

LAUREN YOUNG

LINGGO

MAALAALA MO KAYA

RAYMART

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with