Aljur takot sa banta ng fans
Natawa si Aljur Abrenica sa tanong ng ilang showbiz press na bumisita sa set nila ng Prinsesa ng Buhay Ko kung totoong nakikipagsabayan na rin sila ni Kylie sa break-up nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, Angel Locsin, at Phil Younghusband? Nag-break na rin daw sila ni Kylie?
“Hindi po totoo, happy kami together ni Kylie, wala kaming problema,†sagot ni Aljur. “Ang nagtampo pala sa akin si Kris (Bernal) na hindi ko alam. Akala pala niya blinock ko ang Instagram niya. Ako rin, nagtaka na bakit for two days ay hindi ako nakakatanggap ng messages sa kanya na unusual. Iyon pala, nawala ang account niya sa akin, in-explain ko sa kanya na nangyayari pala talaga iyon na minsan, biglang nawawala ang account ng mga pina-follow mo.â€
Alam ba ni Aljur na parehong may threat ang mga fans nila ni Kylie at mga fans nila ni Kris? Nagbanta raw ang fans na magkita na lamang sila sa Come and Get Me concert niya sa Music Museum sa November 7. Kahit si Kris ay alarmed nang malaman niya iyon, lalo na at may nagbiro sa kanya, paano kung habang kumakanta siya as one of the guests ni Aljur sa concert ay may bumato sa kanya?
“Hindi po naman siguro,†medyo malungkot na sagot ni Aljur. “Kinausap ko na sila at sabi ko ayusin nila kung anuman ang problema. Iyon po lamang, masyado silang matampuhin at ayaw nilang pakinggan ang sinasabi namin ni Kris. Sana ay irespeto na lamang nila ang isa’t isa at huwag na silang mag-away-away.â€
Pero happy and thankful sila nina Kris at Renz (Fernandez) sa mataas na rating ng kanilang romantic-comedy series at aabutin pa sila hanggang January, 2014 kaya masaya rin sila para sa production staff dahil may kita pa sila sa Christmas. Ang problem niya sa character niya as Nick, hindi pa rin niya nasasabi kay Princess (Kris) na siya ang childhood friend nito na nangakong babalikan siya. Sa direksyon ito ni Dondon Santos.
Halikan nina Kristoffer at Julie Anne natuloy na
Kilig-kiligan sa Twitter ang comments ng mga fans ng bagong love team nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. Ang hinihintay kasi nilang first kiss nina Lean (Kristoffer) at Pau (Julie Anne) ay napanood na kagabi sa musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man na dinidirek ni Gil Tejada.
At bilang pasasalamat nina Kristoffer, Julie Anne, at Lucho Ayala, pasasayahin nila ang mga fans nila sa isang mall show mamaya at 4:00 p.m. sa Megacenter The Mall sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, na katatapos din lamang dumanas ng malakas na bagyo a month ago.
- Latest