^

Pang Movies

Ariella Arida lumipad na pa-Russia, malaki ang pressure sa Miss U

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Lumipad na kahapon si Ariella Arida sa Mos­cow, Russia. Red ang kulay ng damit na suot ni Ariella. Itinuturing na lucky color ang pula at sana nga ay maging masuwerte siya sa beauty pageant na sasalihan niya, ang Miss Universe.

Nakatutok ang lahat kay Ariella dahil na­pa­na­lunan ni Megan Young ang Miss World crown. Matindi ang pressure sa Binibining Pilipinas Universe dahil inaasahan ng mga Pinoy na mapapantayan niya ang tagumpay ni Megan sa Miss World.

Ervic walang ipinagkaiba kay Mikael sa pagdi-deny

Susundan ni Ervic Vijandre sa Russia si Ariella. Susuportahan ng Kapuso star ang pagsali ni Ariella sa Miss Universe.

Itinatanggi ni Ervic na girlfriend na niya ang beauty queen. Hindi sila nagkakaiba ni Mikael Daez na idine-deny ang tatlong taon na relasyon nila ni Megan.

Marami ang naniniwala na girlfriend na ni Ervic si Ariella at hindi pa sila puwedeng umamin dahil naka-focus pa ang atensiyon ng dalaga sa international beauty contest na sasalihan.

Excited na si Ervic sa unang biyahe niya sa Russia, kahit pinipigilan siya ni Ariella na sumunod. Sariling gastos ni Ervic ang pagpunta sa Russia. Ganyan katindi ang pagmamahal niya sa girl na kanyang sinusuyo.

Concert ni Aljur kasabay sa pasabog ni Janet Napoles

Parang may kinalaman sa kabadingan ang kuwento ng Status: It’s Complica­ted, base sa trailer ng bagong pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na paulit-ulit na ipinapakita sa TV.

Showing sa mga sinehan sa Nov. 6 ang pelikula na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Jake Cuenca, Maja Salvador, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo.

Ipapalabas ang Status: It’s Complicated, isang araw bago humarap sa senado si Janet Lim-Napoles aka Mama Jenny. Parang teleserye na inaabangan ang pagpunta ni Mama Jenny sa senado dahil hinihintay ng lahat ang kanyang mga sasabihin at ang paghaharap nila ng mga whistle-blower na dating mga tauhan niya.

Marami ang mangyayari sa Nov. 7 dahil ito rin ang gabi ng Come and Get Me, ang concert ni Al­jur Abrenica sa Music Museum sa San Juan City. Busy na si Aljur sa pag-aaral at pagmememor­ya ng mga kakantahin niya sa kanyang first major concert.

Hinihingi ni Aljur ang suporta ng kanyang fans para maging matagumpay at masundan pa ang Come and Get Me. Mahal na mahal ni Aljur ang pagkanta dahil maging singer ang kanyang unang pangarap.

Gina Pareño nakikipagsabayan ng puyatan kahit senior citizen na

October ang birth month ni Gina Pareño, hindi December. Alam ko ang sinasabi ko dahil nagpunta si Mama Gina sa beauty parlor ni Bambbi Fuentes noong Sabado para magpakulay ng buhok dahil birthday nga niya at may birthday celebration siya.

Hindi dapat paniwalaan ang nakalagay sa Internet na Dec. 17 ang birthday ni Mama Gina dahil mali ’yon.

Pareho kami ni Mama Gina na senior citizen na. Matanda lang ako sa kanya ng tatlong taon. Hindi ko na sasabihin ang exact age ni Mama Gina dahil baka ayaw niya na i-reveal. Basta ang masasabi ko, malakas na malakas pa si Gina dahil hanggang ngayon, siya ang nagmamaneho ng sariling sasakyan at nakikipagsabayan sa puyatan.

Mainstay ng Juan dela Cruz si Mama Gina. Matatapos na ang teleserye nila sa Biyernes pero sandali lamang ang kanyang pagpapahinga dahil nakahanda na ang susunod na drama series niya sa ABS-CBN. Ganyan siya kamahal ng Kapamilya Network.

                                            

 

vuukle comment

ALJUR

ARIELLA

COME AND GET ME

DAHIL

ERVIC

GINA

MAMA GINA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with